Chapter 35

17.3K 507 45
                                    


Dumiretso na kami sa meeting room dahil papunta na raw si Mister Novitsky. Agad na kaming nag-ayos at naghintay.

Maya maya ay dumating si sir Marco bitbit ang kanyang mga papers.

"Wala pa ba sila?" sabi niya pagkapasok niya sa meeting room.

"Wala pa." sabi ni boss na nakaupo.

"Ah good. Goodmorning, pare!" bati niya sakin sabay ngiti.

"Goodmorning!" sagot ko sakanya.

Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako bigla.

"Kamusta?" sabi niya sakin habang nakaharap ang kanyang mukha sakin.

"Okay naman, ikaw?" sabi ko.

"Ayos lang din, alam mo ba anong napanaginipan ko kagabi?" sabi niya sabay ngiti ulit.

Siguro maganda yung napanaginipan niya, dahil kitang kita ko sa mukha niya na masaya siya eh.

"Ano naman?" sagot ko.

"Tayo na raw. Tapos ang sweet sweet daw natin tsaka always daw tayong magkasama. Puros relationship goals tayo, ay ang saya!" sabi niya.

Napalingon naman si boss samin at mukhang natatawa sa sinabi ni Marco.

"Nababading ka na talaga bro. What the hell happened to you?" sabi niya kay Marco.

"Yeah bro, bading na ata ako pagdating kay Kristoff." sabi niya sabay kindat sakin.

Oh. My. Goodness.

"Lakas ng tama mo ah?" sabi agad ni boss sabay smirk.

"Oo nga, mukhang nakadrugs." sagot ko naman sabay tawa.

"Ay grabe ka. Di ko na kailangan ng drugs no, dahil your love is my drug." sabi niya.

"Ang korny mo." sabi ko.

Nahinto ang pag-uusap namin dahil dumating na si Mister Novitsky kasama niya yung lalaking pinagseselosan ni Marco, Yohan ata yung name? Nakalimutan ko, sorry.

"Goodmorning Mister Novitsky, how's your trip?" sabi ni boss sabay lahad ng kamay niya.

"Goodmorning Mister Santillan, well it's fine." sabay abot din ng kamay niya para magshake hands. "Shall we start?" dagdag niya.

"Goodmorning." sabi ni Yohan sakin.

Napalingon naman ako sakanya sabay ngiti.

"Goodmorning." bati ko rin sakanya.

"Kamusta ka?" sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Ayos lang, ikaw?" sabi ko.

"Ayos lang rin." sabi niya sabay ngiti.

Pogi niya rin ah? Infairness.

"Ehem ehem." sabi ni Marco.

Napalingon naman kami ni Yohan sakanya.

"Quiet na, magsisimula na yung meeting." sabi ni Marco.

"Sorry." sabay sabi namin ni Yohan tsaka kami umayos ng upo.

Habang nagsasalita si boss sa harap, si Marco panay ang chika sakin.

"Akala ko ba quiet na? Bat panay ang daldal mo sakin?" sabi ko sakanya dahil napakaingay na niya. Ang kulit pero ang cute. Ay?.

Lumapit siya sakin at may binulong.

"Eh kasi nagseselos ako sa lalaking yan. Grabe kasi kung makatitig eh."

Tinignan ko si Yohan at tumingin din siya sakin. Ngumiti siya at ganun din ako.

"Ano ka ba? Ang friendly niya kaya, tsaka isa pa, mabait naman siya." sabi ko.

"Friendly friendly. Hindi yan friendly, mukhang yan!" sabi niya.

"Ehem ehem." sabi ni Yohan.

"Bakit?" sabi ni Marco.

"Quiet na." sabi niya sabay smirk.

HAHAHAHAHAHA.

"Tong lalaking to,"

"Quiet na kasi." pagpigil ko sakanya.

Nakakatawa naman tong dalawang to, kala mo kung anong pinag-aawayan, hays.

***

Natapos na ang meeting at nagkamayan na si boss Ynigo at Mister N.

"Sabay tayo lunch, Kristoff right?" sabi ni Yohan sakin.

"Oo, Kristoff. Sig-"

"Sakin siya sasabay. Kung gusto mo, sabayan mo yung boss niya." sabi ni Marco sabay akbay sakin.

"Maybe next time will do, see you around?" sabi ni Yohan sabay wave ng kanyang hand.

"Ang seloso mo." sabi ko kay Marco sabay alis ng kanyang kamay sa balikat ko.

"Eh kasi dumadamoves eh." sabi niya.

"Paano mo naman nasabi?" sabi ko.

"Boys instinct." sabi niya.

HALA? Meron bang ganun? Sa pagkakaalam ko, girls instinct lang ang meron. Bago na pala?

"Hala? Meron bang ganyan?" sabi ko sakanya.

"Aba oo naman, ako nagpauso niyan." sabi niya. "Pero to be honest, iba ang kutob ko sakanya, ay basta ewan ko." sabi ni Marco.

"Ang oa mo, tara na nga." sabi ko sabay hila sakanya papuntang canteen sa 5th floor.

**

Danielle Tan's POV

"Malapit na Danielle, konti nalang."

"Make sure na magagawa mo yan okay? Alam mo naman siguro anong kaya kong gawin."

"Yes Danielle, di kita bibiguin."

"Okay." I said and I ended the call.

Okay, before I forgot, I am Danielle Tan, and I am the only daughter of Amanda De Castro and Anthony Tan. Fixed marriage ang naganap samin ni Ynigo and that plan was made by me. Buti nalang his parents also agreed. I am inlove with Ynigo since we were college. I don't know kung bakit di ko makuha kuha loob niya, but now, I can feel that he's attracted to me. Yes, I really do. Okay stop this nonsense.

I called my friend earlier para may ipagawa. I know na kaya niya yung gawin. Madali lang naman yun.

I was planning to get rid of Kristoff. Well di ko siya papatayin, di kaya ng konsensya ko pero gusto kong mawala siya buhay namin ni Ynigo, and also my parents don't want him na nasa buhay namin siya. Kaya gumawa ako ng plano para mapatalsik siya sa trabaho at tuluyan ng mawala sa buhay namin.

Madali lang naman gawan ng ikakapahamak tong Kristoff nato, well una, alam kong di siya palaban, pangalawa, walang wala siya sa kaya namin gawin at pangatlo, madali lang siyang kalabanin.

I can feel and I can predict na agad agad siyang mapapatalsik sa kanyang trabaho at mawawala na ng tuluyan sa aming buhay.

Remember the days and weeks na parati akong wala sa tabi ni Ynigo? Like always akong wala kagaya nung nandun kami sa Davao? It's because I really need the help of my friends kung paano at kung anong gawin para agad na siyang mawala sa buhay namin. And there you go, we set the plan and tomorrow, I'll be there sa office ni Ynigo to visit them.


Ano nga ba ang dahilan kung bakit sila gumagawa ng plano upang mapatalsik si Kristoff sa trabaho at para mawala na siya sa kanilang buhay? Anong koneksyon ni Kristoff sa pamilya Tan? Abangan....

Guys grabe sorry for the delay. How many days akong di inspired eh so di ako nakagawa ng update. Really sorry guys. Eto na talaga, almsot climax na tayo, sana patuloy niyong suportahan ang storya kong My Boss! Thank you! God bless.

PS: Hello sa mga daberkads ko sa Gandang Lahi Squad na sina: Aaron, Isang, Senndi, Onnie, DingDong, Chin, Jeremiah and Gian! Love ko kayo! 💞

Creamme Oh

My BossWhere stories live. Discover now