Chapter 28

18K 623 98
                                    

"San tayo?" tanong ni sir Marco.

"Let's try that one!" sabi ni boss sabay turo sa roller coaster.

Agad naman kaming dumiretso doon. Nakaakbay parin sakin si sir Marco. Para na nga kaming magjowa eh. Pero wala naman samin to, bromance lang hahaha.

Sumakay na kami apat. Nasa harapan kami ni sir Marco, nasa likuran naman namin sina boss at Danielle.

"Hanggang dito parin ba nakaakbay ka? Di ba nananakit yung braso mo kakaakbay sakin?" sabi ko sakanya. Imagine, hanggang dito, nakaupo na kami ay nakaakbay parin siya? Intense.

"Gusto ko lang, bakit bawal?" sabi niya sakin.

"Bahala ka." sabi ko sakanya.

**

"AHHH STOP IT! NOOOO!" sigaw ni Danielle.

"WOOOOOH MOOOREEE!" sigaw ko naman.

Ang saya! Grabe. Nakakatakot siya at first pero kalaunan nagiging mas exciting siya. Tawa lang ng tawa si sir Marco. Si boss naman todo yakap kay Danielle. Hayyyy.

Nung nakababa na kami, umupo agad si Danielle sa upuan at ganun din si boss. Mga mahihina hahahaha!

"Oh, ayos lang kayo? Mukhang di niyo ata gusto yung ride ah?" sabi ni sir Marco.

"Ayoko na. Please uwi na tayo." sabi ni Danielle.

"Ayoko pa, gusto ko pang sulitin ang gabing to!" sabi ko naman.

"Ako din!" sabi ni sir Marco.

"Sige. Kayo nalang mag-enjoy, sasamhan ko nalang si Danielle. Titingin nalang kami sa inyo." sabi ni boss sabay kuha ng pera sa pitaka niya. "Oh heto pambayad."

"Thanks!" sabi sir Marco sabay hawak sa braso ko. "Tara."

Agad na kaming tumungo ulit sa "SEA DRAGON". Yung pinaka-unang ride na tinry namin. Gusto kong ulitin eh.

Sumakay na kami at naghintay na magsimula ang ride.

"Kanina pa tingin ng tingin si Ynigo satin oh?" bulong sakin ni sir Marco.

Tinignan ko naman si boss. Nakita kong nakatingin siya samin. Bakit nga ba?

"Bakit kaya?" sabi ko sakanya.

"Nagseselos ata? O nagdududa." sagot ni sir.

"Duda?" sabi ko.

"Oo. Nagdududa ata siya kung magboyfriend ba tayo o hindi." sabi niya sakin. Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Oh? Para san yang ngiting yan?" sabi ko sakanya.

"Gusto mo?" sabi niya sabay ngiti parin.

"Anong gusto ko?" sabi ko.

"Gusto mo bang pagdudahin pa natin siya?" sabi niya sakin. "Para malaman natin kung nagseselos ba siya."

Si boss? Magseselos? Oh come on, how come? Di siya magseselos no? At sakin pa talaga? Never!

"Baliw ka ba? Bakit naman siya magseselos?" sabi ko.

"Sabi niya kasi sakin kanina, gusto ka daw niya maging kaclose. Gusto ka niyang maging kumpare." sabi niya.

Si boss? Gusto akong maging kaclose? As in magkumpare? Is he damn serious? Omy!

"Seryoso ka?" sabi niya.

"Oo nga. Gusto niyang itry ulit na magkakumpare ng bading. Actually gusto niya rin sa mga bakla noon, nag-iba lang yung tingin niya sa mga bakla nung narape na siya ng bakla." salaysay ni sir.

My BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon