Chapter 20

18.7K 571 16
                                    


May bumukas ng pinto. Tinignan ko ito at nagulat sa nakita. Isang magandang babae ang aking nakita.

"Hi babe." sabi nito at pumasok na ito ng tuluyan.

If I'm not mistaken, siya ba yung girlfriend ni boss Ynigo? Ang ganda niya.

"Oh Danielle, what are you doing here?" sabi ni boss sakanya.

"Visiting you, babe." sabi agad nito at umupo sa lap ni boss.

Umiwas ako ng tingin. Hinawakan ko yung dibdib ko dahil parang may naramdaman akong kakaibang sakit na ngayon ko lang naramdaman. Para akong tinusok ng bbq stick sa sakit. Bakit ba ako nasasaktan? Nagseselos ba ako? Pero bakit naman?

Tumingin ako sakanila at nakita kong sobrang sweet nila. Hinalikan ni boss si Danielle sa ilong. Hinug naman kaagad ni Danielle si boss Ynigo.

Bakit parang affected ako? Wala lang naman ako sa buhay ni boss ah? I'm just an employee here to work for my family and has a crush on my boss. Di ko mapigilang masaktan sa aking nakikita, ang oa ko naman yata kung mararamdaman ko to.

Shinake ko yung ulo ko at hinawakan ko yung magkabila kong pisngi.

"Gumising ka Kristoff! Eto ang katotohanan." sabi ng isip ko. Ayokong i-voice out or i-whisper no? Baka marinig nanaman ako ni boss, naku baka mahalata na niya talaga kung ano talaga yung tunay kong pagkatao.

"Ayos ka lang ba? Mukhang problemado ata yung pare ko ah?" sabi ni sir Marco sabay upo sa table ko. Di ko man lang namalayan na nandito na pala siya.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" agad na sagot ko sakanya.

Sumenyas naman siya gamit ang kanyang facial expression na "dahil sa sweetness nila no? nagseselos ka?"

Umiling ako. Ayoko kayang malaman niya na nasasaktan ako sa nakita ko. Baka ano naman isipin niya sakin, nakakahiya na.

"Weh? Wag mo nang ideny, kitang kita oh?" sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama. Mukhang alam na niya ano ang pinapahiwatig ko. Tumawa nalang siya at di na muling nagsalita.

"Babe, I'm hungry. Kain muna tayo please?" sabi ni Danielle habang nakaupo parin sa lap ni boss at niyuyugyog yung balikat ni boss.

"Okay." sabi ni boss sabay tayo. Tumayo din si Danielle at flinip yung hair.

Che.

"Dude, kain muna kami." sabi ni boss kay Marco.

"Okay dude. Have fun!" sabi ni sir Marco.

Tinititigan ako ni Danielle at mukhang inoobserbahan ako. Kinakabahan ako sa mga titig niya. Ngumiti nalang ako sakanya at ngumiti din siya ng pilit.

"Let's go." sabi ni Danielle. Hinila niya si boss palabas ng office.

Pagkalabas nila ay umupo muli si sir Marco sa table ko at hinarap ako.

"Nagseselos ka?" sabi niya sakin.

OO! OO!

"Hindi no? Bakit naman ako magseselos?" palusot kong sabi.

"Deny pa more." sabi niya sakin. "Aminin mo na kasi, alam ko yang mukhang yan eh. Mukhang nagseselos."

Halata pala talaga na nagseselos ako?

"Oo na oo. Nagseselos ako." sabi ko. "Pero alam ko naman na may girlfriend siya eh." dagdag ko.

"I knew it." sabi niya sabay snap ng fingers niya. "Normal lang yan."

"Anong normal? Abnormal to no?" sabi ko sakanya.

My BossDär berättelser lever. Upptäck nu