Chapter 24

17.6K 602 46
                                    

Nagising ako ng bandang 4am ng madaling araw. Kinusot ko yung mga mata ko at pinagmasadan ang paligid. Naka-off na yung ilaw pero may lampshade na naka-on. Malapit iyon sa kama ni boss Ynigo.

Bumangon ako dahil naiihi ako. Pumunta ako sa cr at doon umihi. Pagkalabas ko ay nakita ko ang dalawang hot na mga lalaki na natutulog.

Di ko mapigilan ang dalawa kong mga paa na lumalapit sa higaan ni boss Ynigo.

Pinagmamasadan ko yung mukha niyang natutulog. He's really a handsome guy. Kahit tulog, napakagwapo parin. Pero mas angelic face siya pag tulog.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at patuloy na pinagmasdan ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo.

"Bakit ba kasi ang gwapo niyo?" sabi ko sa sarili habang hinahawi yung buhok niya.

Malambot ang kanyang buhok. Napaisip ako na amuyin yung buhok niya. Unti-unti akong lumapit upang amuyin ito. Ngunit di ito natuloy ng may nagsalita.

"Anong ginagawa mo?" sabi nito.

Napatayo ako at tinignan si sir Marco. Nakaupo na siya sa kanyang kama habang pinapanood ako.

"Ah, wala wala." sabi ko sakanya. Kinakabahan ako.

"Wala? Eh ano yung eksenang lalapit ka na sa mukha niya?" sabi niya sakin.

Tutal mukhang close naman kami ni sir, inamin ko na sakanya ang balak ko sanang gawin.

"Eh kasi, gusto ko sanang amuyin yung buhok niya. Yun." sabi ko.

"Ganun ba?" sabi niya sabay higa. "Dito ka na matulog sa tabi ko."

Nabigla ako sa sinabi niya. Ako? Diyan hihiga sa tabi niya? Oh common. Ayoko no! Baka makita pa ako ni boss at magtaka kung bakit ko katabi si sir Marco.

"Ha? Ayoko no." sabi ko sabay higa sa kama ko.

"Please?" sabi niya sakin.

"Sir, ayoko. Nandito si boss oh? Tsaka bakit ba gusto mo akong katabi?" sabi ko sakanya.

"Nilalamig na ako eh. Kailangan ko body heat." sabi niya sakin.

Body heat? Lakas din ng tama netong sir ko ah? Nako nako.

"Hoy kasalan ko bang nilalamig ka? Magsuot ka kaya ng damit." sabi ko sabay lagay ng kumot sa katawan ko.

Nabigla nalang ako ng bigla siyang tumabi sakin at niyakap ako ng mahigpit. Pilit kong kinalas yung pagkakayakap niya ngunit di ko kaya. Malakas nga talaga si sir Marco.

"Sir ano ba?" sabi ko sakanya.

"Ngayon lang to. Pagbigyan mo na ako." sabi niya.

"Sir please." sabi ko sakanya.

"Kahit na anong pagpipilit mo, di ako kakalas. Kaya kung ako sayo, matulog kana jan." sabi niya.

Ano bang problema nitong si sir Marco? Nababaliw na ba siya? Di ko mapigilan isipin na baka ano yung alam niyo na pero malabo naman yun.

Tumahimik nalang ako at agad natulog.

***********

Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si sir Marco. Bumangon na ako at napansin ko rin na wala din si boss. Nasan kaya yung dalawang yun?

Tinignan ko yung relo ko. 8am na nang umaga.

Kinuha ko yung towel ko at mga damit sa bag. Maliligo nalang ako para di na maging sagabal o nakakahiya mamaya pag nandito na sila.

Nilapag ko sa kama ko yung mga damit na susuotin ko. Dumiretso na ako sa cr. Bago ka kasi makapasok ng tuluyan sa shower area ng cr or sa bathtub na may shower curtain ay may malaki munang salamin sa gilid.

My BossWhere stories live. Discover now