Chapter Fourteen :)

1.1K 16 1
                                    

Copyright © Diana Aranda

 

Even if I say No

I passed out.

After sabihin sakin yun ni Ice, nakatulog na ako. Halo halong pagkalasing, pagkapagod at pagkainis ang naranasan ko kahapon. Dinalihan pa ni Ice ng ganun. What a way to end my day!

Nagising ako sa sarili kong kwarto. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi gayong bagsak na bagsak na talaga ako. Ni hindi ko maalala kung nakapaglakad pa ba ako o may nakausap pa ba ako after kong mag pass out.

Laking pasalamat ko na walang klase. Pwede akong magmukmok sa bahay. Tumulog, kumain at tumulog ulit. Plano kong ipahinga ang katawan ko. Napakaraming stress na din ang naranasan ko nitong mga nakaraang araw. Madalas, si Ice ang dahilan.

Hindi ko pa rin talaga maisip ng lubusan kung bakit sinabi ni Ice yun. Tss. Sino naman ang naiinlove ng ganun kabilis? We've barely known each other for two months! Paano naman nya nagawa yun ng two months lang?

Diniin ko ang pikit kong mga mata. Hindi na ko makabangon sa sobrang sakit ng ulo ko. Parang pinalo ng martilyo, hinati ng gulok at inilagay sa grinder. Sobrang sakit!

"Manang!" sigaw ko. Paglingon ko sa side table ay may nakahaing isang baso at pitsel. I'm glad there's cold water here.

Kinuha ko yung baso at uminom ng tubig. Masarap sa lalamunan pero masakit pa rin talaga ang ulo ko.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko na nakakalat sa kama ko kaya agad kong dinampot iyon at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan kung sino ang nasa caller ID.

"Cream! Nasa labas kami ng bahay nyo. Tara mag lomi!" napakunot noo ako at sinilip ko kung kanino bang boses ito at mukhang pamilyar. Nakita ko ang picture ni Adam. Ugh. Bakit ang aga mambulabog ng isang to?

"Adam, bakit ang aga mong mambulabog? I have hangover dude. Go away." tamad kong sagot sa kanya. Tumayo ako at agad na napahawak sa pinakamalapit na nakakapitan.

"Shit!" sabi ko. Dinig ko ang tawanan nila Adam sa background. Malamang, magkakasama na naman sila. Kagulo na naman kami neto pagkatapos.

"Better check your clock Miss. Alas dyes na po. Ano? Tara na! Loming lomi na kami oh!" pangungulit pa ni Adam.

"Fine. I'll take a bath first. Sasabihan ko si Manang na papasukin kayo." binaba ko ang tawag at inayos ang buhok kong mukhang walang kahahantungan. Lumabas ako sa kwarto at agad na nagtawag ng katulong.

"Manang..." pagsilip ko sa baba ay saktong pagpapapasok nila sa mga kaibigan ko. Adam, Ivan, Trisha, Catherine and Ice was there. May isa pa silang kasamang babae pero di ko iyon kilala.

"Woah! Nice look Cream." bati sakin ni Ivan. Ang titibay din naman ng mga ito. Kung umarte kala mo, di nalasing kahapon. Kaines!

"Pakyu." sabi ko sabay balik sa kwarto ko. Why is Ice acting wierd?

Nakangisi sya nung tiningnan nya ako. Ugh. Agang aga, ayaw kong i-stress ang sarili ko sa mga ganung bagay.

The Coolest Guy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon