Special Chapter 7

451K 13.4K 6.8K
                                    


Ice's Point of View


Ihininto ko ang pagbabasa sa mga papel na uwi ko galing trabaho nang may marinig akong sasakyan sa tapat ng bahay. Tiningnan ko ang orasan na nasa may dining. It's almost 10 p.m. Malamang si Zoe na 'yon.

Magulo ang schedule ni Zoe. Minsan maaga siyang umuuwi, minsan naman late. Kapag late ang uwi niya, mas panatag ang loob ko kapag ako ang sumusundo sa kaniya. Ayokong mag-isa siyang bumabyahe. Kahit na nga ba alam kong kaya niyang depensahan ang sarili niya may mangyari man, mas gusto ko pa rin ang maprotektahan siya.

Tiningnan ko ang phone ko para tingnan kung may text o tawag ba si Zoe kanina para sunduin ko na siya kaya lang wala naman akong nakita. Lumapit ako sa may bintana at sinilip kung sino ang nasa tapat ng bahay.

Tama ang hinala ko na si Zoe 'yon. Kaya lang... 

Bakit may kasama siyang lalaki? Bakit hinatid siya ng kung sino mang lalaki na 'yon? Ang sabi ko sa kaniya itext niya ako kapag uuwi na siya at pupuntahan ko naman agad siya.


Nang makababa si Zoe sa sasakyan ay ibinaba pa ng lalaki ang bintana at kinawayan si Zoe. Kumaway din naman si Zoe bago tuluyang pumasok ng bahay.

Matamlay siyang naglalakad at nang malapit na siya ay lumapit na rin ako sa pinto at pinagbuksan siya bago pa man niya buksan 'yon.

"Oh, Ice. Bakit gising ka pa? Dapat natulog ka na." Lumapit din siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"I told you to text or call me kapag uuwi ka na."

Tumango siya at tinapik ako sa likod saka nagtuloy-tuloy. "I'm going to sleep, Ice. I'm so tired."

"Sino 'yung naghatid sa 'yo?"

Huminto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Kumunot ang noo niya nang marinig ang tanong ko. "Workmate."

Tumalikod na ulit siya at nagpatuloy sa pagpunta sa kwarto. Bago pa siya tuluyang makalayo ay nagtanong na ulit ako, "Are you hungry? Do you want to eat?"

"I said I'm tired, Ice. I'm going to sleep. Goodnight."

Oh. Okay. Her line of work is really tiring. Maybe she really needs to sleep.


***

"I might go home late again. We're in a rush. If hindi kakayanin ang oras baka mag-overnight na ako."

Itinigil ko ang pag-aayos ng necktie ko nang marinig ang sinabi niya. 

"You're not going home?"

"I'm not sure."

"Susunduin na lang kita."

"Naghahabol na kami. Baka abutin ako ng 4 am or 5 or 7 or 9 am. May trabaho ka. Huwag mo na akong sunduin."

"Don't worry. I'm fine. I'll fetch you."

"Huwag na nga sabi," she snaps and continues tying her shoes. Nagmamadali siyang tumayo at kinuha ang bag niya saka lumabas ng bahay.

She didn't even give me a goodbye kiss. Hell, she didn't even say goodbye. Sobrang pagod pa rin ba siya para gawin 'yon?


Being true to her words, hindi nga umuwi si Zoe. It's almost 3 am at hanggang ngayon gising ako, nagbabaka sakali na umuwi siya pero mukhang malabo na. Ni hindi man lang siya tumawag maski magtext man lang. Ganoon ba talaga siya ka-busy?

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon