Battle 33

1.1M 24.9K 5.5K
                                    

Ayu's POV

Hinihintay kong sunduin ako ni Ken sa amin ng lapitan ako ni Zoe.

"Kamusta kayo? Kayo na ulit?"

Ilang beses na nila tinatanong 'to pero hindi ko talaga alam kung paano sagutin. Ano na nga ba kami ni Ken? Hindi naman niya ako tinanong. Hindi naman namin napag-usapan 'yun.

"Hindi ko alam." I told her. Hindi ko kasi talaga alam.

"Dun din naman uwi niyong dalawa. Automatic na 'yun."

Napangiti ako sa sinabi niya. Feeling ko rin naman kasi doon nga ang uwi namin parehas. Sigurado siya sa akin, sigurado ako sa kanya.

"Pupuntahan niyo na ba ngayon 'yung real parents niya?"

Tumango ako. Alam na ng barkada ang tungkol kay Ken. Sinabi na raw ng boys sa kanila. Nalaman lang din pala ng boys yung tungkol dito nung araw na sinapak ni Josh si Ken. To protect Ken's secret, they hid everything from us, too. Wala rin naman sila sa posisyon para sabihin yun kaya naiintindihan ko naman.

"Oo. Hinihintay ko na lang siya."

"Kinakabahan na malamang yun ngayon. Ilang years na? Basta matagal na. Tapos yung anak pa nila yung naghanap sa kanila."

"Naniniwala pa rin akong may rason yung magulang niya."

"Sana nga. Ang sakit kung wala, di ba? Whatever happens, just stay by his side, okay?"

"Of course, I will."

Pagsagot ko kay Zoe ay may nagdoorbell, "Si Ken na 'yan. Ingat kayo." She waved and I did the same.

Bago ko pa pihitin ang doorknob, napahinto na niya ako, "Everything will be alright in the end."

"Thanks, Zoe." I smiled at her at lumabas na ng bahay.

"This is it." Bungad ko kay Ken ng abutan siyang nakasandal sa kotse.

"I am nervous. Really really nervous."

"I think it is natural? Kaya mo yan."

"What if things won't turn out.. good? Paano kung hindi pa rin pala nila ako tanggap? Paano kung palayasin nila ako sa harap nila? Paano kung nakalimutan na pala nila na minsan sa buhay nila naging anak nila ako? Paano -- " I cut him off by covering his mouth.

"We'll never know if we'll never try. We have to go there to figure out things. Don't chicken out. I'm with you, okay?"

Napabuntong hininga siya at tumango. "Sana maayos ang kalabasan. Sana tanggap pa nila ako. Sana maging magkasundo ang dalawang pamilya ko."

I'm so proud of him. Nakakatuwa na kahit hindi pa niya kilala ang totoong magulang niya, tanggap na niya ang mga ito. Kahit hindi pa sila humihingi ng tawad, napatawad na sila ni Ken.

Bago pa man kami makasakay, may isang sasakyan na ang bumusina sa amin.

Sino kaya ang paparating?

Nasagot ang tanong ko ng bumaba sa sasakyan ang isang magandang babae. Si Krista.

"Ohmyghad! Aalis kayo? Grabe pupuntahan ko pa lang kayo e."

"Ano na naman problema mo? Manggugulo ka na naman ba?"

"Na naman?! Kapal ng mukha ng lalaking 'to. Kailan ako nanggulo? Saka hindi ikaw ang pakay ko dito. Tabi!" Itinulak niya palayo si Ken at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Ayu, parang awa mo na. Pilitin mo na 'yang masungit mong boyfriend na kausapin magulang ko. Nakikita mo yung pangit na 'yun?" Napatingin ako sa tinuro niya. Yung driver niya. "Ayaw niya akong papuntahin sa mga gusto kong puntahan. Ikakasal na raw kasi ako kaya magpakabait na raw ako sabi nila Mama. Pero hindi ko kaya!"

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now