Battle 45

1M 23.9K 7.2K
                                    

Josh' POV

This isn't a good idea. I'm such a jerk. Ano bang pumasok sa makitid kong utak at pumayag akong pagselosin si Sab? Hindi ko man sinabi ng diretsyo na payag ako sa plano ni Sachi, pero parang ganun na rin 'yun kasi hindi ko siya pinipigilan kapag gumagawa siya ng moves at nagsasabi ng kung anu-ano.

Hindi ako magpapanggap na hindi ako nakaramdam na kahit katiting na tuwa ng maramdaman na nagseselos si Sab. Syempre masaya ako kahit papaano kasi alam ko na may halaga pa rin ako kay Sab. Na ayaw niyang makitang may kasama akong iba.

Sinundan ko pa siya sa kanila. Nagmukha na akong baliw kakapindot ng doorbell kasi umaasa akong makakausap ko siya pero walang Sab na lumabas sa gate. Wala. Inabutan na nga ako nila Zoe na mukhang pulubi sa labas ng bahay pero wala pa rin si Sab.

"Akala ko uuwi ka na kaya nauna ka?" bungad sa akin ni Zoe.

"Nandyan ba si Sab?"

Mukha mang naguguluhan, pinaghintay nila ako at tiningnan kung nandun nga si Sab. Pinapasok nila ako sa bahay pero tinanggihan ko.

"Nasaan si Sab? Wala siya dito." Sabi ni Yannie paglabas niya.

Napatingin sa akin ang tatlo na mukhang mga nagtatanong. Kung sana alam ko rin kung nasaan siya.

"Anong nangyayari?" tanong ni Ayu.

Hindi na lang ako sumagot at iniwasan ang tanong niya. Maski kasi ako, hindi ko alam. "Hihintayin ko na lang siya dito."

"Sa loob ka na lang maghintay."

"Ayos lang ako dito."

Hihintayin ko siya kahit na isang milyong lamok pa ang pumapak sa akin. Maghihintay ako.

Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay ko dahil dumating din siya. Ayun nga lang, may kasama ng iba. Para nga lang pala talaga akong tanga na nagdodoorbell kanina samantalang 'yung taong gusto kong lumabas may kasama palang iba.

Kaya lang wala naman ako karapatang magreklamo. Wala akong karapatan sa kanya. Kasi kaibigan niya lang naman ako.

I asked her if she's happy. She said, yes. I was actually hoping for her to say no. Kasi kung sasabihin niya 'yun, sa mismong pwesto at sa mismong oras na 'yun, aaminin ko ulit sa kanyang mahal ko siya at gusto kong maibalik namin ang meron sa aming dalawa. Kaya lang mukhang hindi na darating ang araw na 'yun.

Sa mismong pagtalikod ko sa kanya, naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Akala ko umaambon lang pero nagtuloy tuloy na lang ang pagpatak ng luha sa mata ko. Siguro ganun talaga. Kapag hindi mo na kayang sabihin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, ang mga mata mo na ang magsasalita para sa'yo.

Masakit, Sab. Masakit kasi ramdam kong mahal namin ang isa't isa pero may harang na pumipilit maglayo sa aming dalawa.

"Anong problema natin?" bungad sa akin ni Xander pagpasok ko ng kwarto ko. Alam na alam na talaga ng mga kaibigan ko kapag may problema ako.

"Bakit ka nagsisinungaling?"

"Ha?"

"Hindi mo naman talaga dinedate 'yung Sachi. It's obvious. Panay tingin mo kaya kay Sab kahit na yung isa yung katabi mo. Lokohin mo lelang mo."

Buti pa sila nahalata.

"Are you trying to make her jealous?"

Sasagot palang sana ako ng tumayo na si Ice at hilahin si Xander at Ken, "Let him rest. Let's go." Weirdo talaga ang lalaking 'to.

Bago pa man sila tuluyang makalabas, lumingon ulit sa akin si Ice, "Hey, I - Nothing. We'll go ahead." Ewan ko sa kanya.

***

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now