Battle 38

1.1M 24.4K 12.3K
                                    


Sab's POV

Nagising ako na nakapatong pa rin sa tenga ko ang phone ko. Wow. Proof talaga 'to na hindi ako malikot matulog. Sabagay, malikot na nga ako paggising ako, baka exemption na kapag tulog ako. Hindi ko naman siguro pwedeng akuin lahat ng kalikutan sa mundo.

Pagbaba ko inabutan ko na na nandun ang tatlong lalaki. Excited masyado ha. Aga aga nag-iinit agad ulo ko sa hindi malamang dahilan.

"Anong nangyari sa sinabi niyong hapon niyo kami susunduin?" Biro ko sa kanila at dumiretsyo sa dining na hindi pa hinihintay ang sagot nung tatlo.

Nasa may dining si Ayu at nag-aayos ng pagkain, "Akala ko ba hapon pa sila? Napaaga. Namiss kayo?" I joked.

"Dito na raw sila maglalunch. Para diretsyo alis na."

"Lunch? Bakit ang aga e breakfast pa lang?" Tanong ko sa kanya at umupo na sana sa pwesto ko para kumain.

"Magkaiba ba tayo ng orasan?" Natatawang tanong ni Ayu.

Tatanungin ko sana siya pero nagpunta siyang sala para tawagin ang iba.

"Akala ko ba ulam natin 'to for lunch?" I asked habang kumukuha ng ulam.

"Oo nga. Ano bang akala mo?" Sagot ni Yannie.

"E bakit niyo sinerve ng breakfast?"

Napahinto sa pagkain ang mga girls pero nagpatuloy sa pagkain ang boys.

"Binigyan niyo ba ng orasan 'tong si Sab?" Tanong ni Xander habang lumalamon pa rin.

"12:30 na. In case di ka marunong bumasa ng oras."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ice. Tanghali na pala ako nagising.

"Nagpuyat ka ba at ngayon ka lang nagising?" Napalunok ako sa tanong ni Zoe.

Naalala ko na naman tuloy. Josh and I were texting. Then, he called me. Tapos.. tapos.. kinantahan niya ako. Shocks. Kinantahan nga niya pala ako.

Pakiramdam ko nagtaasan ang mga balahibo ko at napabilis na naman ang tibok ng puso ko to the point na pakiramdam ko hinihingal na ako at hindi makahinga dahil sa kilig sa ginawa niya.

Kinantahan niya ako until I fell asleep. Kinatahan niya ako. Kinantahan niya ako.

Okay. We get it. Kinantahan ka niya. Parang kinantahan lang. Ano naman?

Saan ba pwedeng magpatanggal ng konsensya? Basag trip palaga ‘tong isang ‘to.

"Sab, you're spacing out." Kuha ni Ken sa atensyon ko.

"Huh?"

"Zoe's asking if you stayed up late last night? Anong oras ka ba natulog?"

"I don't know? 2? 3?"

"Anong ginagawa mo ng ganung oras?" Tanong ni Ayu.

"Uhh. Wala. Someone called me last night."

Nakatanggap ako ng suspicious look sa kanila kaya ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. Sobrang thankful ko ng may biglang magdoorbell kaya nalipat ang atensyon nila doon.

Binuksan ni Zoe ang gate at ng bumalik siya, may kasama na siya. Si Josh.

"Akala ko nakalimutan mo na gumising ha." Biro ni Xander kaya napakamot ng ulo si Josh.

"Na-late lang ng gising."

"Late malamang natulog. What time ka ba natulog?" Tulad kanina, nagtanong na naman si Ayu.

"I don't know. 2:30-3:30?"

"Naglalaro ka ng basketball, ano?"

Napatahimik siya at napatingin sa direksyon ko at nginitian ako saka tiningnan si Ayu, "No. I was talking to someone over the phone last night."

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now