Battle 9

1.4M 27.2K 9.3K
                                    

Zoe’s POV

Sabi nila mabilis lang daw ang oras sa panahon ngayon. Sa sobrang bilis pumikit ka lang pagdilat mo kinabukasan na pala. Pero joke lang. Ang OA nung sa pagpikit na ‘yun. Kaya lang, seryoso, mabilis ang takbo ng oras. Mabilis ang takbo ng panahon. Bumilis ba ang ikot ng mundo?

Parang nung isang araw lang nagsimula ang school year. Parang kahapon lang nang magsimula ang second sem. Parang kanina lang ng magfinals at magbakasyon na kami. Ngayon, huling araw na ni Ice tapos lilipad na siya sa ibang bansa bukas. It’s funny how time flies when you’re in love. Mushy.

Pagkatapos naman ng ilang araw, si Ken na ang aalis. Napaaga ang flight ni Ken kaya nagkagulatan na lang kasi malapit na pala siyang umalis. Handa naman na ang lahat, ewan ko lang si Ayu.

“Hahatid kita bukas.” Paalam ko kay Ice.

“Huwag na.”

“Sungit mo naman. Parang ihahatid lang.”

“It’s hard to turn my back away from you. I can’t walk away knowing you’re just there.. staring.” Sobrang lungkot ng boses niya. Kaya lang hindi siya magaling na aktor kaya alam kong nanggugoodtime lang ‘to.

Sinuntok ko siya ng mahina sa braso at tumawa, “Arte mo. Huwag ka nga lang magpakacheesy. One week lang.” Natawa rin siya at ipinatong ang kamay sa sandalan ng sofa para maakbayan ako.

“Excuse me! May tao dito in case hindi kayo aware. Friends here!” taas kamay ni Yannie at inilibot ang pointing finger niya.

Now I realized, lahat nga pala sila ay nasa amin ngayon. Despedida raw ni Ice and Ken. Tanggap ko na nagpadespedida si Ken kasi matatagaln siya bago bumalik, kaya lang bakit si Ice na isang linggo lang mawawala nagpaganto rin? Makiuso pa. At bakit sa bahay namin? Oo nga, teka, bakit sa bahay namin?

“Bakit nga pala dito niyo naisipan maghanda? Hindi naman kami ang aalis. Mauutak kayo ha! Gusto niyong dito para kami ang magligpit ‘no?”

Nagkatinginan ang apat na lalaki at tumawa. Parang mga baliw. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko.

“Ngayon ko lang naisip ‘yang naisip mo, Zoe. Sana noon ko pa naisip ‘yan.” Natatawang sagot ni Josh.

“Dito namin naisipan maghanda kasi dito kami matutulog.” Sagot naman ni Xander.

Nagkatinginan kaming apat na babae at pareparehas nanlalaki ang mata, “Bawal!” sigaw naming apat.

“Baka mapagalitan kami ng magulang namin.” Sagot ko.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon