Battle 12

1.3M 25.8K 6.4K
                                    

Yannie’s POV

Paano nangyari ‘yun? Si Tom nga ba talaga ang nakuhanan ni Zoe?

“Wait, that’s impossible. Hindi pwedeng nandun siya. He’s.. dead.”

“Alam ko, Sab. Alam ko. Kaya nga nagulat ako. Ang laki ng picture na ‘yan. Kamukhang kamukha ni Tom. Parang.. Parang siya talaga.”

“Paanong nangyaring nandun siya kung matagal na siyang wala. Hindi ba naaksidente nga siya? Ilang taon na ‘yun? Four years ago? Kung ganun, bakit ngayon lang niya naisipan magmulto? Bakit ngayon pa? Hindi ko makita ang point.”

“I know. Natakot ako nang makita ang picture.”

Nagmumulto? Posible kayang nagmumulto siya? Kaya lang, hindi naman ata pwede ‘yun. Ang gulo.

“What if..” napatingin kaming lahat kay Ayu na mukhang seryosong nag-iisip. “What if buhay pa siya?”

Pagkasabing pagkasabi pa lang niya nun, agad ng bumilis ang tibok ng puso ko. Ano nga kaya kung buhay pa si Tom? Posibleng buhay pa siya. Kaya lang, kung buhay siya, sino ang inilibing noon? May inilibing nga ba noon?

“Imposible ‘yan, Ayu.” Kontra ni Sab sa sinabi ni Ayu. “Hindi pwedeng mabuhay ang matagal ng patay.”

“Pero posible kung sa simula pa lang, buhay na talaga siya.”

Kinakabahan ako sa patutunguhan ng diskusyon na ‘to. Parang nabuhay ulit ‘yung sakit nung mawala siya sa akin noon. Parang.. hindi ko na alam.

“Ano ka ba, Ayu. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Hindi siya buhay, okay? Wala na siya. Matagal na. Siguro ‘yung nakita ni Zoe sa camera niya, parang ano.. parang, kamukha lang. Ganun. Naalala niyo ‘yung nakita natin dati na kamukhang kamukha ni Ice? Baka parang ganun lang din ‘to. Hindi pwede ‘yang iniisip mo.”

Nagkibit-balikat si Ayu at sumandal sa sofa, “I’m just exploring the possibilities. Maybe I’m wrong, but what if I’m right? What if he’s really alive? What if hindi talaga siya namatay? What if naaksidente siya at nawalan ng memorya kaya hindi agad nakabalik?”

“That’s impossible! Nailibing si Tom noon.”

“May pumunta ba nung libing niya na isa sa atin? May pumunta ba sa burol niya? Hindi tayo nagsipunta kasi hindi natin maiwan iwan si Yannie. Maybe hindi talaga siya namatay. Pwedeng pinalabas lang na ganun ang nangyari kahit hindi naman totoo.”

May katwiran si Ayu. Pwedeng buhay si Tom. Wala ni isa sa amin ang nagpunta nung namatay siya. I was so miserable that time na hindi ko magawang paniwalaan na wala na siya. Pinaniwala ko ang sarili kong hindi totoong namatay siya kaya hindi ako nagpunta sa burol maski sa libing niya. Kinulong ko ang sarili ko sa kwarto. Hindi ako lumabas ng bahay ng ilang buwan. Maski lahat ng connections ko pinutol ko. Noong panahong namatay si Tom, pakiramdam ko sumama ako sa pagkamatay niya.

Pero ngayon naisip ko, pwedeng buhay pa siya. Pwedeng hindi talaga siya nawala. Siguro. Siguro nga.

“Kung totoo man ‘yang naiisip mo, bakit hindi siya nagparamdam kay Yannie? Apat na taon ‘yun. Four freaking years.”

Tama si Zoe. Kung buhay nga siya, bakit hindi niya ako binalikan? Bakit hindi siya nagpakita? Bakit bigla na lang siyang nawala?

Nagkibit-balikat si Ayu, “Sinabi ko na kanina. Baka nawala ang memory niya.”

Naramdaman ko ang paglipat ng tingin nilang tatlo sa akin pero hindi ko sila  pinansin. Pinipilit kong ipasok sa utak ko lahat ng posibleng sagot sa tanong na pareparehas gumugulo sa amin.

Pwedeng hindi si Tom ‘yun. Pwedeng kamukha lang niya. Pwedeng nagmumulto nga siya. Pwedeng siya nga ‘yun at buhay pa. Kaya lang sa lahat ng posibleng scenario na ‘yan, ano ba ang gusto kong totoong nangyari? Ano ba ang mas madaling mapapaniwalaan ko? Ano ba ang mas tatanggapin ko?

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now