Battle 46

1.1M 24.4K 7.5K
                                    

Sab’s POV

Ohmyghad. Ohmyghad. Ohymghad.

Parang tumigil ang ikot ng mundo pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako naghahallucinate lang? Posibleng dahil sa sobrang pag-iisip ko sa mga nangyayari, nabuhay na ng utak ko ang mga scenario na gusto kong mangyari. Totoo ba ‘to?

“A..anong.. paano..”

Itinaas niya ang kamay niya at itinapat sa mukha ko, “Huwag. Ako muna, please. Habang hindi pa ako dinadaga at habang hindi ka pa tumatakbo papuntang CR.”

Napapikit siya saglit at napasuklay sa buhok niya, “Nakagawa ako ng katangahan nang makipagbreak ako sa’yo noong mga panahong space lang ang hinihingi mo. Makitid ang utak ko. Sarado ang isip ko. Kaya lang hindi ko kinaya ‘yung mga buwan na wala ka. Minsan katabi na kita pero parang ang layo mo pa rin. Kaya gumawa ako ng isang desperadong move. Nakipagkaibigan ulit ako sa’yo. Naisip ko kasi na, sige na, ayos na kahit kaibigan lang. Kahit epal lang. Kaya lang habang nagtatagal, mas lalo lang akong nahuhulog sa’yo. You’re like a never-ending cliff.  Just when I thought I finally reached the bottom, mas lalo pang lumalalim. Sa apat na taon na naging girlfriend kita, akala ko sagad na ‘yung pagmamahal na nararamdaman ko. Pero hindi e. Mas lalo kitang minamahal ngayon. Tapos na-realize ko.. I can’t be just friends with you.”

Parang lalabas na ‘yung puso mo. Sobrang bilis na ng tibok nito. Mababaliw na ako sa nararamdaman ko.

“Then Sachi entered the picture. Pati si Jacob.” Bakit pati si Jacob napasok sa usapan?

“Nakagawa na naman tuloy ako ng katangahan. I pretended to date someone else just to make you jealous. You’ll hate me, I know. But when I saw you with Jacob that night, t*ngina. Ako ba talaga ang nagpapaselos? Bakit naging ako ang nagseselos? Napagdesisyunan ko noon na ayokong magpanggap na may gusto akong ibang babae. Gusto ko na lang na ipakita sa’yo sa lahat ng paraang alam ko na ikaw lang ang nag-iisang babae sa puso ko. I am in love with you, Sab. I am. I love you, okay? And I can’t see myself being in love with another girl other than you.”

Kinakapos na ata ng stock ng hangin sa mundo?

“Sab, I’m sorry sa ginawa ko. I just.. I just.. I want you so bad. I love you so much I’m going insane. Gusto ko lang sabihin sa’yo lahat ng nararamdaman ko. Ayokong magsisi balang araw na hindi ko nasabi sa’yo ‘to. Please, just please. I’m begging you. Ibalik mo na ako sa buhay mo. Kahit epal lang. Kahit mas mababa pa sa kaibigan. Hindi ko na kaya ang hindi mo pagpansin sa akin. Sobrang sakit na Sab. Sobra.”

Parang hiniwa na naman ang puso ko nang makita ang pagpatak ng luha sa mata ni Josh. Umiiyak siya. Umiiyak siya sa harap ko at lahat ng tao dito. Nilunok niya ang pride niya para sa akin.

Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko. Sinubukan kong magsalita pero hindi ko nagawa noong una. Parang may nakabara sa lalamunan ko. Pumikit ako at lumunok. Sinubukan kong magsalita at sa awa ng Diyos, nagawa ko.

“Hindi lang ikaw ang nasasaktan, Josh. Ako rin. I wanted space because I thought that’s what we need for us to grow up. Hindi lang ikaw ang nakagawa ng katangahan. Ako rin. Kung sana inintindi kita. Ako naman ang unang humiling ng hiwalayan kaya nagkagulo gulo ang lahat.”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now