Battle 27

1M 24.1K 11.1K
                                    

Ayu's POV

"Ano? Iiyak ka ba muna o mag-a-ice cream na tayo?"

Bago pa man ako makasagot, nag-unahan na naman ang pagbagsak ng mga luha ko. Mga luhang hindi maubos ubos. Nakakasawa na rin umiyak kaya lang hindi ko naman mapigilan. Ayaw paawat. Laging nagkakarerahan sa pagbagsak.

Naramdaman ko ang braso ni Ram sa balikat ko at bago pa man din ako makapagreact, niyakap na niya ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na niyakap niya ako kasi mas lalo lang akong naiyak sa ginawa niya.

Nang makatahan na ako ay bumitaw na ako sa yakap, napakamot naman siya sa ulo niya.

"Bakit?" Halos pahikbi hikbi ko pang tanong.

"Hindi ka na ba iiyak? Nakakachansing pa ko e."

Baliw talaga ang lalaking 'to. Pinalo ko lang siya ng mahina at sumakay na kami parehas sa sasakyan niya. Alam ko naman na kahit gaano ko kagusto ng ice cream, wala ng epekto yan sa nararamdaman ko ngayon.

"Kayo pala ang gagawa ng eksena sa No Name. May nalalaman ka pang pagpigil sa amin pumunta para walang umeksena."

Oo nga pala. Sinabihan ko siyang huwag ng pumunta ng No Name kung kasama si Tom e ayun pala at kami pa ang eeksena. Ano na kayang nangyari sa kanila ngayon dun? Sana hindi na sinaktan ni Josh si Ken.

"He's back, Ram. I don't know what to feel. Gusto ko siyang yakapin nung makita ko siya kaya lang baka ipagtabuyan niya lang ako. Natatakot ako. Mukhang wala na siyang pakialam sa akin pero pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na may dahilan siya kung bakit ginagawa niya ang ginagawa niya."

Hindi sumagot si Ram at nagpatuloy sa pag-drive. And I thank him for that. I just need someone who'll listen.

"Sabi ni Josh may babae si Ken. Of course I don't believe him. Hiniwalayan man niya ako, alam kong walang iba. Instincts. Laging tama ang instincts ng mga babae 'di ba? Kaya lang nandun pa rin yung sakit sa posibilidad na totoo ang sinasabi ni Josh."

"Kaya lang syempre, hindi ako maniniwala. Hindi sa nagpapakatanga ako o ano. Sadyang malakas lang ang paniniwala ko sa kanya. Or maybe because I love him so much kaya kahit masakit, kakapit pa rin ako sa maliit na chance na bumalik pa kami sa dati."

Tiningnan ako saglit ni Ram at lumingon ulit sa daan, "If it hurts you that much, then stop, Ayu. Stop holding on to the things that hurt you. You love him, but it's not enough. Give up."

Napangiti ako sa sinabi niya. Tulad ng sinabi ko dati, madaling magsalita, mahirap lang idaan sa gawa.

"You don't give up on the people you love. I won't give up on Ken."

Napabuntong hininga siya at napailing, "Lucky bastard." I heard him muttered under his breath pero di ko na lang pinansin.

Sarado na ang ice cream house na kinainan namin ng makarating kami dito kaya ang ginawa na lang namin ay bumili ng ice cream sa isang convenience store at tumambay sa may sea side.

Nagpapakaaliw ako sa ice cream na kinakain ko ng bumanat ang lalaking katabi ko, "Kung ako ba siya, mapapansin mo?"

"Ha?"

"Joke lang. Kanta 'yun. Gusto ko lang sabihin sa'yo."

Napairap na lang ako at kumain ulit ng ice cream.

"Ayu, tayo na lang kaya." Halos maibuga ko ang kinakain kong ice cream sa kanya. Baliw ba 'to? Anong pumasok sa utak niya at naisip niya 'yun? "What?! I'm just suggesting."

"Baliw ka ba?"

"Oo. Baliw sa'yo." He winked. Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa na naman siya, "Joke lang. Sinasuggest ko lang naman yun para pagselosin natin yung ex mo. Malay mo hindi makatiis tapos bumalik sa'yo. O kaya naman baka ikaw ang hindi makatiis at main-love sa hindi man katalinuhan pero ubod na gwapong nilalang na kagaya ko?"

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon