Battle 17

1.1M 24.3K 2.8K
                                    

Sab’s POV

“Bawi na ba ako?” natatawang tanong ng nasa kabilang linya.

Parang ewan ‘tong si Josh. Nang umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay matapos niya akong i-date, agad siyang tumawag sa akin para lang tanungin kung bawi na siya.

“Tingin mo?” mapang-asar kong sagot.

Kahit naman gaano kalaki ang kasalanan o pagkukulang sa akin ng lalaking ‘to, kaunting sweetness lang niya tunaw na agad yung inis ko. Ganoon kalakas ang impact niya. Bihira siyang maging sweet kaya kapag naging sweet na siya, wala na. Lagot na. Matutunaw na naman ako.

“Oo? Ang effort kaya nun. Akala mo ba madaling mag-isip ng surprise date para sa ‘yo? Hindi ha. Kailangan ko pa ng tulong ng iba. Kasi kung hindi, baka bugbog sarado na ako nung kinikidnap pa lang kita. At isa pa, napilitan akong magpakasweet para lang dun.”

“So utang na loob ko pa ba na ginawa mo ‘yun? Ay thank you ha. Sorry rin at naabala pa kita.” Sarkastiko kong sagot.

“Apology accepted.”

Kahit kalian talaga ang lalaking ‘to.

Pero kung tutuusin, ang saya na magkaroon ng ganitong klaseng relasyon. Hindi kami sweet sa isa’t isa palagi. Madalas pa kaming mag-away pero hindi naman kami naghihiwalay.. uhh, naghihiwalay ng matagal, I mean. Cool-off kunyari pero nagkakabalikan din naman. Kung bakit ganito yung relasyon namin, kaming dalawa ang dapat sisihin. Hindi kasi kami nabiyayaan ng sweetness. Meron man, siguro bihira lang lumabas. Pero mas okay na sa akin ang ganito. Para kasing nagkaroon ako ng boy bestfriend, enemy at boyfriend sa katauhan ni Josh. Three-in-one na ‘yan. Magrereklamo pa ba ako?

***

“Malapit na uwi ni Ice, di ba?” tanong ni Yannie kay Zoe.

“One week na lang ata?

“Enrollment na this week. Paano ‘yan?”

“Ako na lang proxy niya.”

Mabait talaga ‘tong Zoe na ‘to. Kung ako ‘yan, hindi ako magtyatyagang i-enroll si Josh.

“Balita kay Ayu?”

“Baka this week umuwi na ‘yun.”

Hanggang ngayon wala pa rin kaming balita masyado kay Ayu. Iniform niya lang kami nang makarating siya kila Ken. After one week, sinabihan lang niya kami na uuwi siya kapag enrollment na pero hindi siya nagkwekwento. Malamang ko ba ay masyado silang nag-eenjoy ni Ken at sinusulit ang oras kaya nawalan na ng panahon para balitaan man lang kami.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now