Special Chapter 2

873K 20.3K 3.7K
                                    

Sab’s POV

“Halimaw.”

Kanina pa ako tinatawag ng Bakulaw sa tabi ko pero hindi ko siya pinapansin. Busy ako sa ginagawa ko. Nagskesketch ako ng bagong design. After nito mamimili pa ako ng fabric pati ng color para sa mga ‘to. Ang hassle talaga kapag rush.

“Busy mo naman.”

“Ikaw lang naman ang hindi.”

“Grabe ‘to!”

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at tumigil na rin ‘yung Bakulaw kakakausap sa akin.

Sorry, Josh, kailangan ko lang talagang maghabol ngayon. Baka bulyawan ako ng customer kapag hindi ko ‘to natapos agad.

Inaayos ko pa ang lahat ng details nang makaramdam ako ng antok. Napatingin ako sa orasan sa gilid ko at nanlaki na lang ang mata ko sa nakita kong oras. Ala una na pero nasa may boutique pa rin ako. Sabi na nga ba dito na ako matutulog. O makakatulog pa ba ako? Saklap.

Inilibot ko rin ang paningin ko pero wala na si Josh. Umuwi na pala ‘yung Bakulaw. Baka nagpaalam ‘yun kanina hindi ko lang narinig.

“Ahh! Kaunti na lang, Sab! Keribels mo ‘to!” Para akong timang na chinicheer ang sarili ko.

“Kaya mo ‘yan.”

“Ay shit ka!” sigaw ko dahil sa gulat. Akala ko ako na lang ang tao dito.

“Shit ka rin. O,” sabay abot niya sa akin ng tasa ng kape.

Aww. Ang sweet naman ng Bakulaw na ‘to ngayon.

“Akala ko umuwi ka na.”

“Akala mo lang ‘yun.”

“Late na kaya. Bakit di ka pa umuwi?”

“Indirectly mo ba akong pinapauwi? Bakit hindi mo na lang kaya diretsyuhin?”

“Bwisit!”

“Joke lang. Pero ayoko pang umuwi. Kitang mag-isa ka lang dito. Mamaya may makita ka pang multo matakot ka pa.”

Nako. Kilalang kilala ko na ang lalaking ‘to. Nag-aalala lang siya pero nahihiyang aminin kaya idadaan sa biro. Kikiligin na nga ako, sige na.

But on the serious note, kinikilig talaga ako.

“Nginingiti mo diyan? Ayusin mo nga ‘yang mukha mo at mas nakakatakot ka pa sa multo.”

Instead mainis sa sinabi niya ay napangiti na lang ako ng tuluyan at niyakap siya, “Shy si Bakulaw aminin na nagwoworry siya?”

“Hindi ha. Kapal ng mukha mo.”

“Uy, shy nga,” natatawa ko pang biro sa kaniya habang nakayakap pa rin.

“Hindi nga sabi. Paraparaan ka lang e. Makayakap lang? Tsansing ka ‘no? Gusto mo lang makahawak sa back muscle at abs ko.”

Kapal talaga ng pagmumukha ng lalaking ‘to. Hindi ko naman idedeny na may muscle at abs siya kaya lang hindi ko rin syempre aaminin sa kaniya na may ganun siya.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now