Battle 41

1.1M 22.7K 7.5K
                                    

Josh' POV

Friends, eh? I can deal with that. Basta nakadikit pa ako sa kanya. Kaya lang syempre umaasa pa rin akong lumevel up ang relasyon namin. Saklap naman nun kung mauuwi lang sa ganto lahat ng pinagdaanan namin. Kaya ko pa namang maghintay sa kanya. Ayos pa. Letse. Napakalakas kasi ng tama ko. Panang pana ako nung batang may pakpak na nakadiapers.

"I saw your friends kanina."

Napalingon ako sa babaeng nakaupo sa tabi ko. Si Sachi. Bestfriend ng teammate ko at naging kaibigan na rin kahit papaano.

"Sino yung ex mo dun? Yung mukhang manika?"

Napaisip ako sa tanong nito. Lahat naman sila mukhang manika. "Sino dun?"

Inilagay niya ang daliri sa pisngi at parang nag-iisip, "Si Zoe lang kasi kilala kong barkada mong babae. Tatlo sila kanina. Yung isa, yung super maputi. Mukhang mataray hindi masyadong ngumingiti. Yung isa naman, yung mukhang mahinhin. May maliit na dimple siya sa right side ng lips niya. Yung pangatlo, yung matangos ilong. Yung litaw yung cheekbone. Yung pangatlo ba yung ex mo?"

Tumango ako, "Yep. Ex and soon-to-be girlfriend ko ulit."

"Proud masyado ha. Huwag masyado mag-expect."

Panira rin 'to e. Parang si Ice. Bakit ba kasi ang daming mga panira sa mundo?

"You, boys, are weird. Papaiyak-iyakin niyo tapos kapag hiniwalayan kayo hahabul-habulin niyo. Do you enjoy the chase that much?"

Gusto ko mang salungatin yung sinabi niya, alam kong may punto siya. Alam kong tama siya. Kung sa simula palang pinahalagahan ko na relasyon namin ni Sab, sana hindi na kami umabot sa ganito. Sana hindi na kami naghiwalay. Kailangan ko pa palang magpakatanga muna bago malaman kung ano ba talaga ang mahalaga.

"Nilagay niya ako sa friendzone ngayon. Well, I suggested it first. Kaya lang ngayon nag-eenjoy na siyang maging kaibigan ko lang. Ano ng gagawin ko?"

"Tanga naman nito." Makapagsalita naman ang babaeng 'to. Kala mo ni minsan sa buhay niya hindi nakagawa ng katangahan. "Let her go. Accept the fact na friends na lang kayo."

"Hey, Sachi. Come one." Napalingon kami sa bestfriend niya. Tumayo si Sachi at tinap ang balikat ko, "Joke lang. Bahala ka na sa buhay mo. Malaki ka na. Kaya mo na yan."

Napakalaking tulong nun ha. Galing. Bwisit.

"Bro, una na kami. Bye!"

"Bye, Josh!"

***

Hanep! Parang napadaan lang 'yung sembreak. Parang pumikit lang ako, tapos pagdilat ko pasukan na. Inam!

"So, ano? Tunganga na lang tayo dito? Hindi na tayo kakain?"

Nagtigil ako sa pagrereklamo sa utak ko ng marinig si Sab. Nasa tabi ko na pala siya at naka-cross pa ang arms habang tinataasan ako ng kilay. Cute.

"Kanina ka pa ba nakalabas?"

"Three hours na kaya akong nakatayo sa tabi mo."

"Ha! Katawa."

Binelatan niya ako kaya ginulo ko ang buhok niya.

First day of second sem si Sab agad kasama ko. Pwede ng burahin lahat ng reklamo ko kanina. If I'm going to spend my everyday with her, I wouldn't mind wherever we are or wherever we go. Kahit sa dulo pa ng mundo.

"Why are you spacing out again? Topak mo."

"Anong sabi mo?"

"Saan kako tayo kakain?"

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now