Battle 26

998K 25.1K 10K
                                    

Ayu's POV

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nandito nga siya. Nandito nga si Ken sa mismong harapan ko. Pakiramdam ko huminto ang ikot ng mundo at ang atensyon ko ay naiwan sa lalaking nagpapatibok ng puso ko.

"Anong.. paanong.." Mukhang hindi mahugot ni Sab sa dulo ng dila niya ang gustong itanong kay Ken.

"What?! Are you gonna stare at me the whole night?"

Napatayo at napayakap ang mga kaibigan namin sa kanya bukod sa akin at kay Josh na katabi ko ngayon.

Umupo siya sa tapat ko. Yung ngiti niya nandun pa rin. Hindi nawala. Hindi nabura. He seems fine, but I won't be fooled. Alam ko may mali. Alam kong may problema. 

"Are you okay?" Bulong sa akin ni Josh.

Napangiti ako at tumango. Honestly, I'm not, but I know I will be eventually. Nakatitig ako kay Ken pero ni isang beses ay hindi man lang niya nagawang pasadahan ako ng tingin. Iintindihin ko siya kung maski ang tingnan ako ay hindi niya magawa.

"Bakit napaaga ang uwi mo?" Tanong ni Sab sa kanya.

"I failed an exam."

Seryoso? Kailan pa siya bumagsak? Sa tinagal tagal ko siyang kilala, ngayon lang siya bumagsak. He's a freaking genius for crying out loud.

Tulad ng naging reaksyon ko ay ganun din ang mga kaibigan ko. Daig pa namin ang nakakita ng mga aliens o unicorn.

"Paanong nangyari yun?!"

"Finals kasi nun. I forgot to scan my notes before taking the exam. I was at a party and had a massive hangover that time."

"You were partying instead of studying?!"

Kung posibleng mas manlaki pa ang mata nila, malamang ko ba ay mas nanlaki na nga ang mga ito. Of course everybody will be shocked knowing that Ken chose a party over studying. Finals pa.

"Can't help it." Natatawa niyang sagot at uminom.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nakapagsalita na ako, "I thought you were busy with your studies and business."

He finally noticed my existence. Nagawa na niya akong tingnan. Saglit nga lang. Tiningnan lang niya ako at hindi pinansin.

"Kamusta kayo habang wala ako?" Lingon niya sa iba.

I must admit, that hurts. Pero hindi pwede. Kahit gaano kasakit, wala akong pakialam. I won't give up on Ken. Alam ko may rason siya.

Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kaibigan ko pero hindi ko na lang sila pinansin.

Napalingon din ako kay Josh na ngayon ay halos umusok na sa galit dahil sa inaakto ng kaibigan niya. Hinawakan ko na agad ang kamay niya bago pa man din siya makagawa ng eksena.

"Don't, Josh."

Naiintindihan ko siya. If ever siguro pointless din ang reason ni Sab nang makipagbreak siya kay Josh, baka magalit din ako. Pero hindi naman.

Tinanguan ko ang iba as a signal na ayos lang at mag-usap-usap sila. Kaya ganun nga ang ginawa nila. Kaya lang dumating na naman 'yung awkward scene kaya binalot na naman kami ng katahimikan.

"What's up with the earring?" Pambabasag ni Sab ng silence.

Napangisi na naman si Ken at napahawak sa tenga niya, "Cool, isn't it? Trip ko lang magpaganito para maiba."

"Who are you and what have you done to Ken?" Tanong ni Zoe na nagpatawa kay Ken. "What's so funny?"

"You. I've changed, Zoe."

Totoo nga bang nagbago ka na? Hindi na nga ba ikaw ang Ken na nakilala ko? Magbago ka man o hindi, hindi ako bibitaw sa'yo.

"Paanong nag-iba?" Seryosong tanong ni Josh dahilan para mapalingon si Ken sa kanya. "Nag-iba ng pananamit? Nag-iba ng ugali? Nag-iba ng pagkatao?"

"Lahat."

Hinawakan ko ulit ang kamay ni Josh. Nawawala na ang pasensya sa katawan niya.

Pinanlakihan ko ng mata si Zoe at nagets naman ata niya ang gusto kong sabihin kaya dinaldal na ulit nila si Ken.

Nakikinig lang ako sa kanila ng biglang humarap sa akin si Ken, "You? How are you?" Nakangiti niyang tanong na para bang walang nangyari noon.

"F..fine." I lied.

Tumango lang siya at binaling ulit ang atensyon sa iba. At least he talked to me. That's better than nothing.

"Damn it!" Napahinto kaming lahat sa biglaang pagsigaw ni Josh. "Magtigil nga kayong lahat sa pag-arte na parang walang nangyari. Naglolokohan lang tayo dito. Alam nating lahat na may mali. Huwag na tayong maglokohan."

"Josh." Tawag ko sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya.

"Ano bang trip mo Ken? Sabihin mo na ng mas maaga. Nakipaghiwalay ka kay Ayu kasi napapagod ka sa set-up niyo tapos ngayon babalik balik ka dito na para bang walang nangyari. Anong problema mo?!"

Napangisi si Ken at napasandal, "None."

"G*go ka ba?!"

"Josh, tama na." Awat ni Ice sa kanya.

Napahilamos sa mukha niya si Josh at umupo ulit, "Ken, siguro naman ito na 'yung tamang panahon para madepensahan mo ang sarili mo. Ayaw mo bang gawin 'yun?"

Ken just stared at Josh blankly at nagpaalam para mag-CR sandali. Maski ako naguguluhan kay Ken. Pero kahit ganun, I'll never stop understanding him.

Nang makaalis si Ken ay pinagsabihan ni Ice si Josh. Hindi naman daw sa kampi siya kay Ken. Ayaw lang niyang gumawa ng eksena sa No Name at mag-away ang magkaibigan. Siguro tulad ko, Ice believes that there's a deeper reason why Ken acts that way.

"Let's give him a chance. Kung wala siyang gagawin sa pagkakataon na ibibigay natin, saka ka na magalit. Saka ka na gumawa ng aksyon." Dagdag pa ni Xander kay Josh.

Paulit-ulit nila akong tinatanong kung ayos lang ba ako kaya paulit-ulit ko rin niloloko ang sarili ko sa pagsabing oo.

Nagpaalam si Josh na magpapalamig lang daw. Siguro ayun nga ang maganda. Magpalamig muna siya. Wala namang mangyayari kung dadaanin sa init ng ulo ang lahat.

Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa pinanggalingan ni Ken. Hanggang ngayon wala pa siya. Kahit gaano niya ako saktan, hindi ko pa rin siya mapigilang hanap hanapin.

Ilang sandali lang ay nakita ko ng naglalakad papabalik si Ken. Seryoso ang mukha. Kaya lang bago pa man din siya makaupo, halos tumalsik siya sa ginawang panununtok ni Josh.

Agad napatayo at napasigaw ang mga kasamahan ko maski ako. Masyadong mabilis ang pangyayari.

"JOSH! Ano ba yang ginagawa mo?!" Sigaw ni Zoe sa kanya.

Lalapit pa sana si Josh para suntukin si Ken pero inawat na siya ni Xander at Ice, "G*go kang hayop ka! May babae ka kaya ka nakipaghiwalay sa kapatid ko di ba?!"

I froze. Babae? May iba siya? Bago ko pa man mapigilan, nag-una unahan na rin sa pagbagsak ang luha ko.

Napatingin ako kay Ken. Masama ang tingin niya kay Josh pero hindi siya nagsalita. Ken, please sabihin mong mali si Josh. Mali lang siya ng intindi.

Nilapitan ako ni Yannie kaya napatingin sa akin si Ken. Ayokong makita niya akong uniiyak pero hindi ko magawang pigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako pero nakita ko ang pag-aalala sa mata ni Ken. Kaya lang pagkurap ko, balik na sa dati ang mga mata niya. Puno ng coldness.

"Iuuwi ko na si Ayu." Galit na sabi ni Josh pero bago pa man niya ako mahawakan sa braso, may nauna ng humawak sa kamay ko.

Si Ram.

"Hihiramin ko muna siya sa inyo." Sabat lang niya at hinila na ako palabas.

***

A/N: To the rescue si Ram. :)) Thank you guys sa pagbasa nito at nakakatuwa ang mga comments ko siya previous chapters. :)) Pero huwag niyo naman pasabugan ng death threats si Ken. Hahaha. Thank you na rin pala sa mga bumili ng books. Love love. <3

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now