Special Chapter 1

1M 20.8K 4.7K
                                    

Cass’ POV

“Ano? Susunduin mo ba ako dito? O ako na lang pupunta diyan sa No Name?”

“Sorry, Cass. Nagkaroon ng emergency. Huwag muna tayo tumuloy.”

Na naman. Huwag na naman tumuloy. Hindi na naman kami tutuloy. Palagi na lang. Napapadalas na ang pagcancel niya ng mga lakad namin. E kung i-cancel ko na lang din kaya ‘yung relationship na ‘to? Pero joke lang. Hindi ko naman kaya ng wala ang Ry na ‘to.

Kaya lang sayang ang outfit ko. Nag-effort pa akong magbihis kung hindi rin naman pala kami aalis. Bakit hindi na lang niya sinabi agad? Sana nasabihan niya ako para hindi na lang ako nag-ayos.

“Busangot mukha mo,” dinig kong sabi ni Ice pero hindi ko na lang pinansin. Naiinis na nga ako kaya ayoko ng dagdagan pa ang inis ko. “Ano? Hindi na naman kayo tuloy? Nag-cancel na naman? Baka naman busy na ‘yun sa iba?”

Kaya lang mukhang mapilit si Ice at nasa agenda niya ng lalong sirain ang araw ko. Kung ayun ang gusto niya, then fine!

“Manahimik ka nga lang dyan! Dumadagdag ka pa sa init ng ulo ko!”

Paakyat na sana ako nang biglang may nag-doorbell. Ako naman itong si tanga, umaasa pa rin na baka si Ry ‘yun. Na baka nagbago na ang isip niya at pwede na ulit kaming tumuloy. Kaya kahit mainit ang ulo, nagmamadali pa rin akong buksan ang pinto.

“Uy.. Zoe.”

“Hi, Ate Cass! Tara – “ naputol ang sasabihin niya nang tingnan niya ang attire ko, “Ay. Aalis ka?”

“Hindi na. Ry stood me up.”

“Huwag kang maniwala dyan. Nagka-emergency lang si Kuya Ry. Nagpaalam naman siya. Nag-iinarte lang si ate.” Pagsingit ni Ice sa usapan. Nakarinig lang ng Zoe nandito na agad sa gilid ko. Kaya para mabawasan ang sama ng loob ko, siniko ko siya sa tagiliran niya. “Aray!”

Hindi ko siya pinansin at saka tumingin kay Zoe, “Alis tayo. May kampon ng kadiliman dito.”

“Hoy, ako ba ‘yan?” tanong ulit ni Ice pero tiningnan lang siya ni Zoe at nginitian samantalang ako ay hindi ko siya pinansin. “Sama ako – “

“Manahimik ka. Dyan ka lang.” sagot ko sa kanya at hinila na si Zoe palabas.

Habang nasa sasakyan, pansin ko ang paglingon lingon sa akin ni Zoe. Nakakairita naman kasi. Nasira na ang araw ko at kasalanan ‘to ng Ry na ‘yan. Hindi naman ako magagalit ng ganito kung unang beses niya pa lang ‘to ginawa e. Kaya lang hindi! Maraming beses na. Paano kung tama pala si Ice? Na may iba ng pinagkakabusy-han si Ry? Paano kung nagsawa na siya sa akin kasi matagal na kami?

“Dito na tayo.” Natigil ang pag-iisip ko nang magsalita si Zoe. Dinala niya ako sa.. kanila? “Mukhang may topak ka kasi ngayon. Kaya dito na lang tayo. Mahirap na kung sa ibang lugar ka pa magkalat, ate.”

Okay lang sa akin. At least may mga makakasama ako at kahit papaano may malalabasan ako ng inis ko.

Pagpasok ko ng bahay nila, sinalubong na agad ako ng ingay ni Sab, “Hello, Ate Cass! Nasaan si Manager?” Hindi ko alam kung matutuwa ako na nagpunta ako dito e.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now