Battle 62

911K 22.9K 6.6K
                                    

Zoe’s POV

Hindi raw galit pero hindi nagrereply. Hindi raw galit pero ni hindi man lang ako binati maski simpleng “Happy Anniversary” na lang. Hindi raw galit pero hindi tumatawag. Hindi raw galit pero biglang nawala.

Nakakakilig ang pinapanuod namin, or should I say nila, pero ito ako, ni hindi man lang madapuan kahit isang segundong kilig lang. Nakakainis naman kasi. Alam ko naman ang mali ko. Ayun ay ang hindi ako umuwi kung kailan anniversary namin. Kaya lang as if namang choice ko ‘yun. Kung ako lang ang masusunod uuwi naman ako e. Siya naman itong nagsabing okay lang, hindi siya galit pero hindi ako tinetext. Hindi ako kinakausap.

“Huwag mo masyadong panggigilan ang unan ko, Zoe. Walang ginagawa sa ‘yo ‘yan.”

Ibinalik ko sa kama ni Yannie ang unan niya at sumandal. Napabuntong hininga ako at pilit inaalis ang inis ko pero ayaw talaga. Sana sinabi na lang niya na naiinis siya. Sana sinabi na lang niya na hindi okay. Hindi ‘yung sasabihin niyang okay lang tapos hindi naman.

“Hindi pa ba nagtetext o tumatawag?”

Ibinato ko kay Josh ang phone ko na agad naman niyang nasalo, “Tingnan mo. Ikaw na mismo tumingin.”

“Mukhang hindi pa nga.” Kumento niya at inilapag ang phone ko sa kama ni Yannie.

“Baka nakatulog lang?”

“OA naman niyang matulog, Ayu. Kaninang tanghali hanggang ngayon tulog?”

“Baka nga nagalit.”

“Tinanong ko siya kanina kung galit siya. Sabi niya hindi naman. Okay lang naman daw. Ay gaguhan?”

Binatukan ni Sab si Josh, “Ayan kasi. Magcocomment comment ka pa.”

Natapos na rin pala ang pinapanuod nila kaya ginigisa na nila ako. Tiningnan ko ulit ang orasan ni Yannie. Ala una na.

“Pahagis nga ulit ng phone ko.”

Nang makuha ko ang phone ko chineck ko ulit kung nagtext na ba ‘yung yelo o hindi pa rin. At ano pa nga ba. Hindi pa rin. Kapag ako tuluyang nabwisit, lulusawin ko siya e. Simulang simula ng isa sa pinakamahagalang araw sa buhay ko bad vibes na agad ang salubong.

“Nag-effort pa naman akong gawan siya ng regalo tapos hindi naman pala niya ako babatiin. Pwes magtigil lang siya at hindi ko na ibibigay sa kanya ‘yung regalo ko.”

Kainis. Nag-effort pa naman akong gumawa ng scrapbook para maibigay ko sa kanya. ‘Yung ibang pictures namin kahit way way back highschool pa iniligay ko dun. Damang dama ko pa ang pagsusulat ng messages per pages at per picture dun tapos masasayang lang pala ang effort ko.

“Huwag ka ngang nega dyan, Zoe. Malay mo naman hindi nakalimutan. Simula pa lang naman ng araw. Kapag hindi ka binati ng buong araw, saka ka magalit.” Sabi ni Yannie.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Ice. Pero hindi pa rin siya sumasagot. “See. Wala pa rin.” Hindi ko na sila hinintay magkumento at tinawagan ko na rin si Ken at ilang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag ko.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindOù les histoires vivent. Découvrez maintenant