Battle 43

973K 21.2K 7.6K
                                    

Josh’ POV

Tanghaling tapat may nang-iistorbo sa akin. Akala ko nakatakas na ako sa pagbubuntot sa akin ni Sachi dahil sabado naman pero mali pala ako. Hindi ko alam kung gusto lang ba talaga nitong pagselosin si Sab at Jacob o sadyang may gusto ‘to sa ‘kin. Kapag tatanungin ko naman sasabihan na naman akong feelingero. Ang labo ng mga babae.

“Anong masamang hangin ang nagdala sa ‘yo dito?” tanong ko sa kanya at tinuro ang sofa sa sala para paupuin siya.

She scowled and crossed her arms, “Wala bang ‘I miss you. It’s nice to see you again.’ dyan?”

“Daming arte. Ano nga? Bakit ka nga nandito?”

“Grouchy. We’ll go on a date. Kaya magbihis ka na.”

Go on a what? Nababaliw na ba talaga ang babaeng ‘to? Ang sakit na sa ulo. Nakakapikon.

“Ayoko. Makipagdate ka sa sarili mo.”

Hindi naman ako pumayag sa gusto niyang mangyari kaya bakit ako sasama sa kanya. Isa pa, bakit kailangan pa mag-date? Akala ko ba kailangan lang namin pagselosin yung dalawa? Paano magseselos kung hindi naman nila kami makikita? Abno ang babaeng ‘to.

Tumayo siya at nagkibit balikat, “Fine. Sayang. May lakad pa naman si Jacob at Sab ngayon. Nagtext kasi si Jacob sa akin kagabi. May date ata yung dalawa. Sige, uuwi na lang ako. Bye!”

Palabas na siya ng hawakan ko siya sa balikat at pinaupo ulit sa sofa, “Magbibihis lang ako. Hintayin mo ko dyan.”


***


Nililibot ko ang paningin ko sa pesteng lugar na ‘to at baka nandito sila Sab pero wala naman akong makitang bakas ng pagkatao niya dito. Isang oras ng pagulong gulong ang mata ko wala naman.

“Ako ba pinagloloko mo?” inis na tanong ko sa babaeng naniningin ng mga damit sa isang boutique.

“Wow. After one hour you finally figured that out? Congratulations!”

T*ngina. Babae ‘yan, Josh. Babae ‘yan.

“Uwi na ko.”

Lumabas ako ng boutique pero sumunod naman siya at humawak pa sa braso, “Tanggalin mo ‘yan.”

Tinanggal naman niya ang kamay niya at itinaas, “Sorry. Wala kasi akong kasama. ‘Yung parents ko parehas busy sa work. ‘Yung kapatid ko, hindi naman kami close. ‘Yung bestfriend ko, busy raw.”

“Wala ka bang ibang kaibigan?”

“Puro varsity players ang kaibigan ko ‘di ba? May kanya-kanyang lakad. Ayokong mag-aya ng ibang cheerleaders. Magplaplastikan lang kami ng mga ‘yun.”

Nagpapaawa ba siya? Kasi kung oo, naaawa na ako sa kanya.Badtrip.

“Saan mo ba gustong magpunta pa?”

Umaliwalas ang mukha niya at ngumiti, “Pwedeng manuod ng sine?” Ano pa nga ba?

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now