Battle 36

1M 23.5K 4.6K
                                    

Josh' POV

"Gusto mong tumambay muna tayo?"

Napangiti ako ng taasan niya ako ng kilay. She's so cute. Nakakamiss din na inaaway niya ko. "As friends. Tumatambay ang magkakaibigan 'di ba? Kung gusto mo magtawag ka pa ng back up para may kasama tayo."

"Good idea." Taas niya sa tinidor niya at may tinawagan nga sa phone niya, "Hello, Zoe? ... Anong ginagawa mo? ... Ice na naman? Kaninang umaga pa kayo magkasama. ... Whatever. Tara. Tambay. ... I'm with Josh. ... Tss. Bye."

"Hindi pumayag, ano?"

"Halata naman di ba? Kainis. Tara na nga." Inis niyang sagot at tumayo para lumabas pero bumalik din para kunin ang frappe niya, "Sayang."

Nasa may parking na kami ng mapansin kong wala ang sasakyan niya.

"Kotse mo?"

"Bahay. Mas trip ko magcommute kanina para mas matagal makarating sa cafe. Baka sakaling mabawasan kaba ko."

Masyadong straightforward kahit kailan. Nakakatuwa. Hindi siya naiilang sa akin kahit na hiwalay na kami.

“Nakakailang kasi ‘di ba nag break tayo tapos makikipagkita ako sa ‘yo e hindi naman tayo nagpapansinan. Alam mo ‘yun. Kaya ayun. Mas kailangan ko ng time para mag-isip isip ng mga bagay bagay.”

Sabi ko nga mali ako. Naiilang nga siya at kailangan ng oras.

“Ikaw ba, hindi ka ba naiilang?”

“Naiilang nung kakarating mo lang. Kinakabahan pa nga e. Pero ayos na ngayon.”

“Ayos na rin ako ngayon. Parang wala na lang kunyaring nangyari. Ang kaibahan nga lang, wala na tayong title. Friends na lang. Tara na.”

Masaya niyang sagot at pumasok na lang sa sasakyan ko. I offered her friendship. Sana tama pa rin ‘tong ginagawa ko. Sana wala akong pagsisihan hanggang sa huli. Sana okay lang lahat. Sana okay lang kami.

Napagdesisyunan namin na tumambay sa isang plaza. Medyo fresh pa rin kasi yung nangyari sa utak namin kaya para iwas ilangan, dito na lang kami nagpunta.

Parehas lang kaming nakatahimik. Hindi ako sanay. Nakakabanas. Gusto kong mag-ingay pero wala naman akong masabi. Nasaan na napunta lahat ng kayabangan ko?

“Ang cute nila o.” turo niya sa dalawang bata na babae at lalaki. Mukhang mga 2 o 3 years old pa lang ang mga bata. “Kanina ko pa sila tinitingnan. Hindi naman sila magkasama. Ngayon lang sila malamang nagkita pero nung lumapit ‘yung batang babae sa batang lalaki, bigla na lang niyang niyakap ‘yung bata.”

Inobserbahan ko ang sinasabi niya. Mukhang unang beses pa lang nila nagkita. Sa hindi kalayuan, nanunuod lang yung magulang nung dalawang bata. Hinahayaan ‘yung dalawa.

“Sana lahat ng tao parang bata lang , ano?” Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo kaya pinaraan ko ang kamay ko sa noo niya para madiretsyo ‘yun, “Ang mga bata kasi mga walang pakialam. Hindi rin sila mapanghusga kaya kahit kakakilala pa lang nila, parang buong buhay na silang magkasama.”

Sarap sigurong bumalik sa pagkabata. Wala kang aalalahanin bukod sa assignment mo sa school. Wala pang problema. Kain, laro, tulog at aral lang. Pero sa kaso ko walang aral. Nakakabagot lang.

“Yes. Kaya madaling makipagkaibigan kapag bata ka pa. Wala kasing plastikan. Ang cute ano? Para kasi sa mga bata lahat ng kaibigan nila special. Hindi tulad ng definition ng friends kapag tumatanda ka na. Iba na.”

“Ikaw, special ba sa ‘yo ang friends mo?”

“Oo naman. Sobrang espesyal ng mga kaibigan ko.”

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now