Chapter 1

534K 22.3K 8.9K
                                    

Chapter 1: Blood

"Saan siya nagmula?"

"Bakit siya natutulog sa ganitong klaseng lugar?"

Naalimpungatan ako sa mga narinig kong bulong sa paligid. Ramdam ko rin ang pangangawit ng aking likod na nakahilata sa matigas na lupa.. Parang kanina pa ako nasa ganitong posisyon.

Iminulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang isang lalaki at babae. Seryoso silang nakatingin sa akin ngunit bakas sa kanilang mata ang pagkamangha. Magkamukha ang dalawang ito na sa tingin ko ay magkapatid.

"Ayos ka lang?" Tanong sa akin ng batang babae.

Kumunot ang noo ko. Tumayo ako at pinagmasdan ang paligid. Parang nasa gubat ako dahil sa nagtataasang mga puno at masukal na paligid.

"Where am I?"

Nagkatinginan ang kambal. Bata pa sila na sa tingin ko ay nasa sampong taong gulang lang. Makaluma ang kanilang pananamit o sadyang nagmukha lang luma dahil sa dumi?

"Ano raw?" Tanong ng batang babae sa kanyang kasama.

"Ewan. Kakaiba ang kanyang lenggwahe." Mula sa kanyang mata ay makikita ang pagkalito.

Napangiwi ako nang mapagtanto na baka hindi nila naintindihan ang ginamit kong salita. Tumikhim ako para linawin ang aking katanungan.

"Nasaan ako?"

Ngumiti ang batang babae. "Nasa gubat," sagot niya.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko bago napagtanto na ang tinutukoy niya ay ang gubat na ito. Gusto kong isipin na panunuya ang sagot na 'yon.

Muli kong iginala ang mata ko sa paligid. Wala akong makitang kahit na anong espesyal sa gubat na ito. Parang gubat lang sa mundo ng mga mortal.

Ito ba talaga ang mundo ng mga bampira? Hindi ko inakalang parang nasa mundo rin ako ng mga tao. Akala ko mamamangha ako sa mundo nila.

"Bampira kayo?!"

Napaatras ako ng isang beses nang mapagtanto 'yon. Tumawa sila nang malakas na animo'y isang malaking biro ang sinabi ko. Sabay silang humalakhak.

Napatingin ako sa kwintas na suot ko bago ito hinawakan.

"Ano bang klaseng tanong 'yan?" Natatawang sambit ng batang lalaki. "Oo naman. Ikaw ba hindi? Ano ka? Hayop?" Muli silang humalakhak.

Napahiya ako sa tanong ko. Gusto kong iumpog ang ulo ko dahil sa isang ignoranteng tanong na iyon.

"Anong pangalan mo, Ate?" Tanong ng batang lalaki.

"Hezira," maikli kong tugon.

"Ako naman si Hera," nakangiting sambit ng batang babae.

Mahaba ang itim nitong buhok at maputi ang kanyang kutis. Kitang-kita mo ang kanyang puti kahit na marumi ito at luma ang suot. Kung sa mundo ng mga tao ay matatawag silang batang-lansangan.

Napatingin naman ako sa kasama nyang lalaki.

"Ako ang kambal nya. Hegel nga pala ang pangalan." Natawa ako nang halikan niya ang likod ng aking kamay. Masyadong maginoo. Magulo ang buhok nitong kulay kayumanggi at gaya ni Hera ay maputi rin ang kutis nito.

Hindi ko sila maituring na pulubi dahil sa kutis na meron sila at ang ganda ng kanilang pangalan.

"Bakit ka nga pala nasa gubat, Ate Hezira?" Tanong ni Hera.

Hindi ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko naman maaaring sabihin na pumasok ako sa portal mula sa mundo ng mga mortal. Alam kong hindi nila 'yon maiintindihan.

Taste of Blood (Book I)Where stories live. Discover now