Chapter 14

244K 11.8K 5.6K
                                    

Chapter 14: Magnanakaw

Nakatulala ako sa aninag ko sa salamin. Bagsak ang hanggang likod kong buhok, nakanguso ang kulay rosas kong labi. Nakasuot na sa akin kulay puting uniform na may mahabang manggas. May ribbon na kulay itim sa bandang leeg at may logo ng AU sa kanang bahagi. Ang haba rin ng palda ay hindi aabot ng tuhod.

Ngayon na ang unang araw namin sa klase. Pero... Wala ba kaming gamit? Wala akong bag, ballpen, papel o kahit na ano man lang na magagamit. Hindi ba sila gumagamit ng mga gano'n?

"Hezira?" dinig kong tawag ni Dominus sa labas. Napanguso ako nang maalala na naman na hindi pa man sumisikat ang araw kanina ay binulabog na niya ako. "Tara na!"

Nilingon ko ang orasan na nasa pader. Pareho lang sa mundo ng tao ang pagkilala nila sa oras, may mga kamay din ito. Hindi lang Hello Kitty o Mickey Mouse ang design. Parang antigo ang isitilo na umiikot sa kayumanggi at ginto ang kulay. May mga detalye rin na-nakaukit at roman numeral ang gamit na pamilang.

Oras : VI / XXIV

Maaga pa para sa klase namin na mag-uumpisa pa mamayang alas otso.

Napagitla ako nang biglang bumukas ang pinto, dumuwang si Dominus na nakangiti. "Hindi ka pa tapos?" tanong niya. Masyadong masigla ang kanyang ngiti.

"Susunod na ako..."

Tumango siya bago muling isinara ang pitno. Napabuga ako ng hangin bago kinuha ang isang papel na naglalaman talaan ng klase ko. Sinulyapan ko ito.

Ang subjects ko ay English, History, Counting at Hunting. Counting? Magbilang? Seryoso ba sila? Wala bang Food Tech?

Pagkalabas ko ay naabutan kong nakasandal sa pader si Dominus. Bumagay sa kanya ang malinis na kulay puting uniform, hanggang palapulsuan din ang haba ng manggas. Nakakulay itim na rin siyang pantalon na tinernohan ng itim na sapatos.

Sabay kaming napalingon sa lalaking lumabas mula sa pangatlong kwarto. Napangiwi ako nang makita ang ayos ni Lazaro.

"S-Sasamahan mo kami?" tanong ko sa kanya.

"Araw-araw ay ihahatid ko kayo," nakangiting tugon niya.

"Sigurado ka?" Halos mapapadyak ako sa pagkadismaya pero wala man lang 'yon kay Dominus na hindi natitinag ang ngiti.

"Tara na!" masayang hila sa amin ni Dominus.

Pagkalabas namin ay marami-rami rin kaming naglalakad at kulay puti ang uniporme nila. Nakanguso ako habang naglalakad at pasimpleng sinusulyapan si Lazaro na wala man lang reaksyon.

Seryoso talaga siya...

"Teka... Parang may nakalimutan tayo," huminto si Dominus kaya napahinto rin kami.

Ano naman kaya ang nakalimutan nito? Ah! Baka nakalimutan niya ang hiya sa palasyo! Hindi ba siya nahihiya na ang tanda na namin ay ihahatid pa kami ni Lazaro?

"Gamit..." biglang sabi ni Lazaro na naiiling. "Nakalimutan nating bumili ng mga gamit ninyo. Hindi bale, mamaya rin ay ibibili ko kayo."

Napatango na lang ako. Akala ko hindi na kailangan no'n kaya hindi ako nagtanong.

"Hays... Tara na nga!" Napatingin ako kay Dominus nang hawakan niya ang braso ko at hinila.

Mayamaya ay tumambad na sa amin ang malawak na espasyo. Parang open field kung saan ginaganap ang mga laro. Saka ko lang napansin na sa dulong harapan namin ay kulay berde ang uniform ng mga lumalabas na estudyante.

"Ito ang bilog na humati sa apat na bahagi ng pinaninirahan ng lahat ng estudyante rito," pagpapaliwanag ni Lazaro. "Tayong mga Timawa ay nasa Silangan, sa kaharap natin ay ang Kanluran kung saan naninirahan ang Class B. Sa Hilaga ang Class A at Royal Blood."

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon