Chapter 42

161K 8.2K 3.8K
                                    

Chapter 42: Orasyon

"A-Aalis ka na?" Lumunok ito. "Hindi mo na ba talaga kaya?"

Hindi ako nakasagot. Gusto ko siyang yakapin uli sa mga sandaling ito pero natutop ako sa kinatatayuan ko. Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Habang nakatitig sa kanyang mata ay nararamdaman ko ang takot at lumbay.

"Iyon ang mas makakabuti sa kanya." Si Inueh ang sumagot nang hindi ako nakasagot. "Kapag mas nanatili pa siya rito ay aakyat na sa puso niya ang lason. Dominus, habang tumatagal siya sa mundo natin ay mas nanganganib ang buhay niya."

Kumunot ang noo ni Dominus bago mahinang tumawa. "Kung iyon ang makakabuti sa kanya, hindi ko kailanman ipagkakait 'yon. Pero... Masakit lang kasi. Ngayon ko lang naramdaman ang pagmamahal na ganito."

Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. "Magiging maayos ka rin, Dom." Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. "Hindi ba sabi mo may itinakda sa 'yo? Malamang na sa kanya mo matatagpuan ang pagmamahal na hihigitan ang pagmamahal na naiparamdam ko."

Suminghap si Dominus bago tumango. "Naiintindihan ko..."

"Kung hindi mo kaya, mas makakabuting ngayon pa lang umalis ka na, Dominus," salita galing kay Inueh. "Sa tingin ko ay mas makakabuti sa inyong dalawa ni Hezira 'yon."

Napahawak ako sa braso ni Dominus nang manlambot ang tuhod ko. Mabilis naman na inalalayan niya ako.

"H-Hezira..." Nag-aalalang tinig ni Dominus.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya at sinalubong ang madilim niyang mata. "P-Patawad, Dom. Akala ko kaya ko pa eh." Payak na ngumiti ako. Napatingin siya sa leeg ko na mas lalong nagpalumbay sa kanya. "Hindi ko pa kaya pero hindi mo na rin kaya."

"Ipasok na muna natin siya sa loob," sabi ni Inueh.

Inalalayan nila akong makapasok at inupo sa upuan. Sinandal ko ang likod ko at ipinahinga ang katawan ko. Kahit na wala naman akong ibang ginawa ay ramdam ko na ang pagod. Hinihingal ako na tila kagagaling lang sa pagtakbo.

"Nawawalan na ng bisa ang purselas." Biglang sumulpot si Lola Gloria. Inabutan niya ako ng isang baso na may laman na kulay pulang likido. "Uminom ka muna. Kahit papaano ay matutulungan ka ng dugo."

Habang iniinom ko ang inalok niya ay ipinakilala naman siya ni Inueh kay Dominus. Ramdam ko ang kaba kay Dominus dahil sa kanyang mga tanong tungkol sa kalagayan ko.

"Hinang-hina na si Hezira, wala bang ibang paraan para mas mapadali ang orasyon?" tanong ni Dominus.

"Kasama sa orasyon ang kabilugan ng buwan. Hindi magiging mabisa ang lahat kung wala ito," sagot ni Lola Gloria. "Sa tingin ko rin naman ay aabot pa hanggang mamayang gabi ang bisa ng purselas."

Kumunot ang noo ni Dominus bago sinulyapan ang purselas naming dalawa ni Inueh.

"Gamit ang purselas na iyan ay si Inueh ang tatanggap ng halos lahat ng sakit na nararamdaman ni Hezira," paliwanag ng manggagamot.

Napatingin si Dominus kay Inueh na umiwas ng tingin.

"G-Gano'n ba? Kung gano'n ay gusto ko ring magkaroon no'n," pursigidong sabi ni Dominus. "Kung dalawa kami ni Inueh ay baka hindi na masaktan si Hezira."

"Ginawa ko na 'yan, Prinsipe," sagot ni Lola Gloria. "Nakasalang pa lang ang mga bagong purselas. Mamayang gabi pa lang magkakaroon ng bisa ang mga iyon. Ginawa ko 'yon para kung sakaling hindi na tumalab ang orasyon..."

Kumunot ang noo ni Dominus. "Ano ang sinasabi mo? Akala ko ba ay kapag nakuha mo lahat ng kailangan ay magagawa mo ang orasyon na magpapabalik kay Hezira sa mundo nila?!" Tumaas nang bahagya ang boses ni Dominus. "Kailangan mo ba ng isa pang manggagamot na tutulong sa 'yo? Ipapatawag ko ngayon din ang punong manggagamot sa palasyo."

Taste of Blood (Book I)Where stories live. Discover now