Chapter 2: Thirsty
Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang pang-amoy, pakiramdam, at paningin ng mga bampira. Lalo na tuwing gabi kung kailan buhay na buhay lahat ng senses namin sa katawan.
Napatingin ako sa paligid nang mapansin kong parami kami nang parami. Gaya ko ay sobrang bilis din nilang kumilos at kahit na madilim ay nakikita ko sila.
Napapatingin sa akin ang iba na animo'y nagtatanong kung sino ako. Malamang na naninibago sila sa akin dahil ngayon lang nila ako nakita.
"Hezira..."
Napatingin ako sa aking tabi. Nagulat ako na nasa tabi ko na pala si Tita Rema. May halong pagdududa ang kanyang umiilaw na mata.
"Anong gagamitin mong patalim?"
Nagulat ako sa tanong nya. Saka ko lang naaalala ang tanong sa akin kanina ni Hera kung meron na raw ba akong gamit. Ano ba talagang gagawin namin?
Baka naman kasi may ilog lang sila dito na hindi tubig ang laman kundi dugo o baka drinking fountain for blood.
"Hindi ko alam kung anong nilalang ka ngunit mas makakabuti kung hindi ka hihiwalay sa akin."
"Po? Pero ang mga anak nyo?"
Tumawa ito. "Pag-oras ng pangangaso ay walang kinikilalang pamilya. Unahan sa pangangaso dahil baka sumapit ang araw na wala ka pang nahuhuli," sambit niya.
Napalunok ako.
Nanunuyo na ang lalamunan ko at maging aking pananalita ay naaapektuhan. Gusto kong magtanong ngunit iba ang tumatakbo sa aking isipan. I'm so thirsty and it is slowly killing me!
Nang nasa bukana na kami ng gubat ay kanya-kanyang direksyon ang tinatahak nila.
"Sa direksyong ito."
Sumunod ako kay Tita Rema nang tahakin nya ang kanlurang bahagi ng gubat. May mga kasabay kami ngunit hindi naman gaano karami.
Nagpatalon-talon kami sa sanga ng mga puno. Gusto kong matawa dahil mukha kaming ninja ngunit alam kong wala akong panahon para doon.
Kailangang mapatid ang pagkauhaw ko sa likidong iyon dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung sakaling magpatuloy ito.
Napatingin ako sa ibaba at halos mahulog ako sa sanga nang makita ang ginagawa ng isang bampira sa nahuli nyang usa.
"Bakit ka huminto?"
Hindi ko maalis ang tingin ko sa bampirang 'yon. Sarap na sarap ito sa dugo ng usa. Tumutulo rin ang dugo sa kanyang labi habang ginagawa 'yon.
Parang---Parang gusto kong agawin ang usang 'yon. Damn! Natatakam ako sa dugo.
"Kumalma ka, Hezira. Kontrolin mo ang sarili mo." Hindi ko alam kung bakit 'yon sinabi ni Tita Rema. Hindi ako makapag-isip nang maayos na tila humihiwalay ang pag-iisip ko sa realidad.
Naramdaman ko na lang na kusang tumalon ang mga paa ko pababa ng sanga at tumakbo palapit sa lalaking 'yon.
Blood... Blood... All I can think right now is blood.
Napahinto ako nang harangin ako ni Tita Rema. Halos mapaatras ako nang makita kong naging mabangis ang kanyang aura. Nagbabanta ang kanyang nanlilisik na mata.
"Isang patakaran dito na hindi ka maaaring mang-agaw. Ang pang-aagaw sa pag-aari ng iba ay isang malaking paglapastangan sa kanila. Naiintindihan mo ba ako?"
Tumango ako dahil tuyo na talaga ang lalamunan ko. Habang tumatagal ay mas nasasabik ako roon.
Fuck. I want blood. If I can only bite myself---Great. Nice idea.
BINABASA MO ANG
Taste of Blood (Book I)
VampirePara kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang isang madugong gabi nang paslangin ng mga nilalang na 'yon ang nag-iisa niyang pamilya--- ang kanyang...