Chapter 4

379K 17.4K 5.1K
                                    

Chapter 4: Doubt

Nakangiti na lang ako habang nakatingin kina Hegel at Hera na nagtatalon sa tuwa. Alam na kasi nila na inimbitahan ako ng Prinsipe Dominus na 'yon sa palasyo.

Prinsipe? Hindi ko inakalang prinsipe siya. Ibang-iba sa mga nababalitaan kong ugali ng mga prinsipe at prinsesa. Akala ko ay arogante sila at mapagmataas. Siguro ay hindi naman lahat.

"Mukhang hindi ka masaya."

Napatingin ako kay Tita Rema na nasa tabi ko. "Sa totoo po ay kinakabahan ako." Payak na ngumiti ako.

Kinakabahan ako sa kung ano mang mangyayari sa akin sa loob ng palasyo. Hindi ko kilala ang mga ugali ng kanilang mga panauhin. Maaaring malait ako ngunit hindi ako papatalo. I'll fight for myself! Wala silang karapatang tapaktapakan ang pagkatao ko pero--- Kinakabahan talaga ako.

"Ate Hezira. Anong itsura ng prinsipe?" Tanong ni Hera na kumukutitap pa ang mata. Sabik sa isasagot ko.

Naalala ko ang istura nya. "May ilong, tainga, mata, mukha, katawan at --- Mukha naman syang normal." Sagot ko.

Natigilan si Hera na kumunot ang noo. "Hindi kita maunawaan," nalilitong sagot niya.

"Sige na. Hera, Hegel. Maglaro na muna kayo sa labas."

Tumango naman si Hera na mukha pa ring naguguluhan sa sagot ko. Inakbayan siya ni Hegel at hinila na palabas.

Naiwan kaming dalawa ni Tita Rema. Nakatingin ito sa akin nang hindi man lang nagsasalita. Ngunit, nakikita ko sa kanyang mata na nag-aalala ito.

"Ano ba ang plano mo?"

Nanlaki ang mata ko. Hindi makapaniwalang umawang ang aking bibig. Teka--- Narinig ko siyang nagsalita kahit na hindi ko nakitang bumuka ang kanyang bibig.

Paano?

"Ito ang tinatawag na telepatiya."

Napalunok ako. Tama ako. Kinakausap niya ako gamit ang aking isipan. Teka--- Is it telepathy? Whoa. Amazing.

"Paano mo po nagawa 'yon?" Manghang tanong ko.

Ngumiti ito sa akin. "May mga bagay na mahirap ipaliwanag. Ngunit, matututunan mo rin ito sa tamang panahon," panigurado niya.

Napangiti ako nang maramdaman ang excitement. Gusto kong matutunan ang telepatiya'ng tinuran niya.

"Ayon sa kwento mo, pinaslang ng mga bampira ang iyong ina." Natigilan ako sa sinabi nya. "Hindi ka ba nagtataka?" tanong nya.

Hindi ako nakasagot dahil nalabuan ako sa sinabi niya. Ano namang nakakapagtaka ro'n? Kitang-kita ng mata ko kung paano nila ginawa 'yon. Kitang-kita ng aking dalawang mata.

Mabuti na lang at nakatakbo ako no'n. Baka kundi ay baka maging ako'y napaslang na nila.

"Bakit naman nila gagalawin ang iyong ina?" Isang tanong na gumulo sa akin.

Bakit nga ba? Wala kaming atraso sa kanila...  "Wala nga ba?" dinig ko na namang kinausap nya ako sa aking isipan.

Wala. Sa pagkakaalam ko ay wala kaming atraso sa kanila. Ni hindi ko nga narinig ni minsan na binanggit ni ina ang tungkol sa mga bampira. Wala akong ideya dahil ang tanging alam ko lang ay--- Bampira ang pumaslang sa kanya.

"Tatanungin kita, Hezira." Napalunok ako dahil kinabahan ako. "Paano kung natunton muna ang pumaslang sa 'yong ina? Anong gagawin mo?" Tanong nya.

Hindi ako nakasagot. Ano nga bang dapat kong isagot? Paano nga ba ang paghihiganting nais ko?

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon