Chapter 11

304K 12.4K 2.5K
                                    

Chapter 11: Enchanted

Ako ang nag-aayos ng mga damit ni Prinsipe Dominus sa isang lalagyan. Narito kami ngayon sa kanyang silid kasama si Prinsipe Arcus at ang isang lalaki na tinawag nilang Lazaro. Ayon sa pagpapakilala ni Prinsipe Arcus ay parang siya ang magiging bantay ni Prinsipe Dominus sa labas ng kastilyo. Kasama namin siya sa isang tirahan.

"Iwasan mo ang pagiging pilyo, Prinsipe Dominus. Hindi ka mamumuhay na parang prinsipe roon. Maaari kang maparusahan kapag may ginawa kang hindi maganda." Hindi ko alam kung ilang beses ko nang narinig 'yon kay Prinsipe Arcus.

Hindi ko siya masisisi dahil pilyo talaga si Prinsipe Dominus. Saksi ako sa mga 'yon.

"Anong sabi mo?" Halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Prinsipe Dominus. Nakanguso ito habang nakatingin sa akin. "Pilyo ako?"

Napangiwi ako nang makalimutang nababasa nga pala nila ang aking isipan. Sinubukan kong huwag mag-isip ng kung anu-ano para iwas na rin sa gulo.

"Pilyo na gwapo." Ngumisi ito sa akin. Ngumiti na lang ako sa mga sinasabi niya. "Narinig ko ang mga papuri mo sa akin nung una tayong nagkita." Bigla kong naalala ang una naming pagkikita.

"Sabi mo eh," nakangiti kong tugon.

"Ikaw naman babae," sabi ni Prinsipe Arcus. Palihim akong natawa. Makakalimutin na ba siya para tawagin akong babae lang? Ilang beses na niyang narinig ang pangalan ko. "Huwag na huwag kang lalayo sa tabi ng kapatid ko."

"Hezira ang aking pangalan, Prinsipe." Pagpapakilala ko. "Sana naman ay matandaan mo na ngayon."

Nakita ko lihim na pagtawa ni Lazaro dahil sa sinabi ko. Wala man lang nag-iba sa reaksyon ni Prinsipe Arcus. Nanatili ang pagiging kalmado niya.

"Mayamaya rin ay darating na ang karwahe na maghahatid sa inyo," sabi pa ni Prinsipe Arcus.

Hindi ba siya nangangawit? Kanina pa siya nakatayo sa gilid ng pinto habang nasa likod niya si Lazaro. Nasa kama naman kami ni Prinsipe Dominus na pinapanuod lang ako na mag-ayos ng kaniyang mga gamit.

"Kaya namin ang sarili namin, Prinsipe. Ang ikinababahala ko ay ang mga nasasakupan natin sa labas." Bumalik na naman ang usapan na 'yon. Nung ibinalita ni Prinsipe Dominus ang natuklasan namin na bad blood ay hindi 'yon gaanong pinagtuonan ng pansin ni Prinsipe Arcus.

Matapos kong mailagay sa lalagyan ang mga damit ni Prinsipe Dominus ay naalala kong wala na pala akong isusuot. Hindi naman pwedeng manghiram ako sa kanya. Wala rin akong pilak na pambili ng damit.

"Wala ka dapat ipangamba, Prinsipe Dominus. Nagpatawag na ako ng pagtitipon para rito."

"Gusto kong tumulong!"
"Hindi na kailangan, Prinsipe. Baka bumalik na rin ang amang hari at inang reyna mula sa pagpupulong."

Bakas pa rin sa mukha ni Prinsipe Dominus ang pagtutol ngunit alam kong alam niyang wala na rin siyang magagawa. Nakakatawa lang na ang isa sa mga pangarap niya ay abot kamay na niya ngunit gusto niyang ipagpaliban para rito.

"Hezira..." Kinahaban ako nang marinig ang pangalan ko sa bibig ni Prinsipe Arcus. "Inaasahan kong hindi mo pababayaan ang kapatid ko."

"Prinsipe! Hindi mo ako kailangan ipagbilin sa isang babae. Kaya ko ang sarili ko!" Protesta ni Prinsipe Dominus ngunit hindi 'yon pinansin ni Prinsipe Arcus. Nanatili ang kanyang tingin sa akin na parang naghihintay ng sagot.

Ngumiti ako bago bahagyang tumango. "Kung 'yon ang iyong nais, Prinsipe Arcus."

Nagpakawala ito ng buntong hininga bago binalingan ng tingin si Lazaro. "Ikaw na ang bahala sa kapatid ko. Kapag may nangyaring masama sa kanya, angkan mo ang magiging kabayaran." 'Yon ang banta ng kamatayan para kay Lazaro. Ang utos mula sa hihiranging hari.

Taste of Blood (Book I)Where stories live. Discover now