Chapter 17

226K 9.8K 1.6K
                                    

Chapter 17: Telepatiya

Hinila ako ni Dominus papunta sa isang malawak na hardin. Namangha ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang mga makulay na bulaklak sa paligid, ang lupang binabalutan ng matingkad na kulay berdeng damo, hanggang sa mga  matatayog na puno. May mga maliliit na kubo rin na maaaring pagsilungan at pagpahingahan.

“Nakakamangha,” bulong ko.

Minataan ko si Dominus na pumasok sa isang kubo. Sinenyasan niya akong sumunod na ginawa ko naman. Umupo kami sa magkaharap na upuan na yari sa kawayan. Mula rito ay dinig ko pa rin ang mga huni ng ibon sa paligid.

Bukas na naman ang iyong isipan,” sabi ni Dominus sa aking isipan.

Lumunok ako. “Lagi ba itong nakabukas? Lagi bang tumatagas ang mga ideyang umiikot sa isipan ko?”

Umiling siya. “May mga pagkakaon  lang na sa sobrang dami ng iniisip mo ay hindi ito nahahawakan ng isipan mo kaya tumatagas ito. Maaari naman itong maiwasan kung makokontrol mo ang sarili mo.”

“H-Hindi ko maintindihan,” saad ko.

Ngumiti siya sa akin. “Bakit hindi mo muna iwaglit lahat ng gumugulo sa iyong isipan at pagtuonan ng pansin kung gaano kasagana sa kapayapaan ang lugar na ito?”

Sumandal siya sa upuan at ipinatong ang dalawang braso sa magkabilang bahagi ng upuan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Tila gusto niyang gawin ko rin ‘yon.

Huminga ako nang malalim bago inalog ang aking ulo. Ipinahinga ko ang likod ko sa sandalan kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

Hinaraya ko ang mga imaheng nakunan ng aking mga mata kanina nang masilayan ang lugar na ito. Mula sa lupang binabalutan ng berdeng damo, sa mga makukulay na bulaklak, hanggang sa mga puno kung saan namamahinga ang mga ibon na pagod sa paglipad… Wala sa sariling napangiti ako.

Ganyan nga, Hezira,” dinig ko ang tinig ni Dominus sa aking isipan. Parang nagtatago siya sa mga bulaklak o puno dahil tanging boses lang niya ang nagpaparamdam. “Hanapin mo ako…”

Naguluhan man ay hindi ko iminulat ang mata ko. Sinubukan kong palawakin pa ang sakop ng imahinasyon ko. Tila naglalakad ako sa damuhan, palinga-linga sa paligid.

Hezira,” dinig ko na namang tawag niya sa akin. Lumingon ako sa likod ngunit wala siya, tanging tinig lang niya ang naririnig ko. “Hindi lahat ng bagay ay ipapakita sa ‘yo ng mga mata mo. Buuin mo ako sa iyong isipanPapasukin mo ako.”

Napangiwi ako nang maramdaman ang bahagyang pagkirot ng ulo ko. Sinubukan kong gawin kung ano ang sinabi niya ngunit hindi ako nagtagumpay. Hindi ko mahagilap ang kanyang hitsura na tila nakalimutan ito ng aking utak. Maging ang paligid ay tila unti-unting lumalabo.

Nawawala ka sa pagiging kalmado,” aniya. “Huwag mong biglain ang sarili mo. Unti-unti, Hezira… Ulitin mo.”

Muli kong binalikan ang unang pag-alala ko sa umpisa, unit-unti ring naging malinaw ang paligid. Napalingon ako sa likod ko nang may maramdamang presensya roon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Dominus.

Natagpuan mo ako, Hezira.”

Napangiti ako. “Nagawa ko ba?” tanong ko.

Lumawak ang ngiti sa kanyang labi. “Naalala ko nong una tayong nagkita, ganitong-ganito ang reaksyon mo, nanlalaki ang mga mata, namimilog ang labi… Hindi mo maiisip na sa likod ng inosenteng mukha mo ay nagkukubli ang isang babaeng matapang at handa kang saktan gamit lang ang kanyang mga salita.” Humalakhak ito.

Dapat ba akong matuwa?”

Patawad sa nangyari kanina.” Bahagyang umikli ang kanyang ngiti. “Natakot lang ako. Pansamantala lang tayo sa lugar na ito kaya natatakot akong magkaroon ka ng permanenteng bahagi na maiiwan dito.”

Taste of Blood (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon