Chapter 5

347K 16.5K 3.1K
                                    

Chapter 5: Necklace

Shit.

Mabilis na napalingon ako sa aking likuran. Nanlaki ang mata ko nang tumambad sa mismong harap ko si Lola Gloria na nakangisi.

"Sinasabi ko na nga ba..."

Lumapit sa akin si Tita Rema ngunit mabilis din siyang lumayo sa akin. Naging pula ang kanyang mata at nakita ko ang pagkasabik sa mga ito

"Lumayo ka sa amin, Hezira!"

Napaatras ako sa aking kinatatayuan ko. Mabilis na tinapalan ko ng nakita kong tela ang daliri ko para pigilan ang pagdurugo no'n.

Bampira pa rin sila. Kahit na alam kong hindi ako kayang saktan ni Tita Rema ay malamang na hindi niya rin makakayang pigilan ang kanyang sarili 'pag hindi ako lumayo.

"Hindi ka isa sa amin," nakangising wika ni Lola Gloria. Papalit-palit ang kulay ng kanyang mata. "Hindi ka bampira dahil kakaiba ang iyong amoy," natatawa niya pang sambit.

Napatingin ako kay Tita Rema na halatang nag-aalala sa akin.

"Ngunit huwag kang mag-alala, Hezira. Hindi kita isusuplong sa mga nakakataas." Lumapit ito sa akin at iginaya niya akong makaupo.

Umupo kami sa mahabang upuan na gawa sa malambot na bagay. Kinakabahan pa rin ako kahit na sinabi na niyang wala ako dapat na ipangamba.

"Hindi mo naman sinabi agad, Rema," sabi niya kay Tita Rema na nakatingin lang sa amin. "Alam mong ako ang may pinakamaalam tungkol sa alamat na ito," dugtong pa nito.

Nanatiling tikom ang aking bibig. Binitawan ko na rin ang tela nang huminto na ang pagdurugo nito. Namumula ang daliri ko dahil sa hapdi.

Tumayo si Lola Gloria at may kinuha sa kanyang drawer. Bumalik sya sa tabi ko dala ang kulay puting likido. Kinuha nya ang kamay ko at pinatakan ito.

Napangiwi ako dahil sa hapding dala no'n. Parang alcohol sa hapdi. Ngunit ilang saglit lang ay nawala na rin ang pamumula nito at nawala na rin ang hapdi. Whoa.

"Alam mo bang ang 'yong dugo ay ang pinaka sagradong dugo?" Panimula nya. Pinatong nya sa tabing lamesa ang likido na 'yon bago bumalin sa akin. "Ang 'yong dugo ay ang pinaka mataas na uri ng dugo. Dugo ng mortal." sabi pa nito.

Napalunok ako. "I-Ibig nyo pong sabihin, maaari rin nilang pag-interesan ang aking dugo?" kinakabahang tanong ko.

Tumawa ito ng mahina. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natutuksong kunin lahat ng 'yong dugo," sabi niya na ikinatayo ko.

Lumapit sa amin si Tita Rema at itinago ako sa kanyang likod. "Lola Gloria, pakiusap po." Umiling si Tita Rema na animo'y nagsusumamo.

"Huwag kayong mag-alala. Ayoko ng madagdagan pa ang aking buhay kaya hindi ko siya gagalawin. Ngunit paano kung malaman ito ng mga ganid sa dugo? Alam mo Rema na ang dugo niya ay ang mas nagpapatagal sa buhay nating mga bampira. Ang dugo ng isang mortal na mas nagbibigay lakas sa atin."

"Lola Gloria, maaari ba natin itong ilihim?" tanong ni Tita Rema.

"Hindi ako marunong magtago ng lihim ngunit habang walang nagtatanong ay mananatiling tikom ang aking bibig." walang ganang sagot nito bago tumungin sa akin. "Habang narito ka sa mundo namin ay nanganganib ka. Sabihin nating, ikaw ang natitirang pagkain sa umaaligid na mababangis na hayop. Paano mo mapapangalagaan ang 'yong sarili?" tanong nito.

"Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko."

Nagulat ako na nasa gilid ko na siya agad. Nakatutok sa aking likod ang kanyang matulis na kuko. "Ngunit hindi mo ka-uri ang 'yong mga kalaban," bulong niya sa aking tainga bago muling nawala at bumalik sa upuan.

Taste of Blood (Book I)Where stories live. Discover now