CHAPTER 2

1.1K 42 1
                                    

Canteen:

KIRSTEN'S POV:

Finally makakapaglunch na ko. I went to the counter to buy food. Bumili ako ng fried chicken with spaghetti, one sliced cake and pineapple juice. I found a vacant table pero nag-observe muna ako bago umupo kasi baka may nagmamay-ari na naman ng table na 'to. After few minutes, nagdecide nadin ako na umupo since parang wala namang kakaiba. I am enjoying my meal when someone approached me. "Oh no, not this time please...gutom na ko..." I silently pray.

"Hi, can we join you?" They smiled. Akala ko aawayin na naman ako.

"Sure, no problem. Have a seat." I smiled at them.

"You're Kirsten right?" I nod. Pano nila nalaman? "I'm Mary Laurel and she's Niña De Guzman." Pagpapakilala nila as they take their seats.

"It's nice to meet you!" I laid my hand for a handshake, and they gladly accepted it. "How did you know my name?"

"We're classmates sa Marketing Management Subject." Said Niña. "Sorry pala kung napagtawanan ka namin. Di ka naman namin mapagtanggol kasi mahirap na."

"Huh? What do you mean mahirap na?" I don't get it.

"Kasi, yung mga classmates nating nang-aasar sayo kanina, sila yung super popular na group dito sa university. Sila ang bumubuo ng Big5." Mary.

"I really don't understand. What's Big 5?"

"Name ng group nila yung Big5. Ang leader nila si Edward Adam Villareal-Kingsleigh, half British, ¼ German, ¼ Filipino. Siya yung matangkad, maputi at mestizong nakaupo sa likod mo. Di lang sya leader, sa kanilang lima, sya yung pinakamayaman. They owned this university and marami pa silang businesses here and abroad. Basta super yaman nya!" Amazed na kwento ni Mary. "Pero mag-ingat ka kasi super chic boy yun! Ang ganda mo pa naman! Baka matipuhan ka nya, nako mahirap yun." Biglang nanindig balahibo ko sa sinabi nya.

"Next, si Marco Montagna, half Italian, half Filipino. Anak ng isa sa stockholders dito sa university and only heir ng Montagna Group of Companies. Isa ding certified chic boy, super dami ng napa-iyak na babae nun." Sabi ni Niña. "Yung nasa likod ni Marco, si Christian Mondragon, galing din sa mayamang angkan. Then, si Cornillo Falcon, parents nya ang may-ari ng isa sa pinakamalaking manufacturing dito sa pinas. And lastly, si Gerard Santiago, electronics company naman sila." Mahabang pahayag nito.

"Silang lima ang dapat mong iwasan kung gusto mong maging tahimik ang buhay mo dito sa school." Paalala ni Mary. "At higit sa lahat, umiwas ka kay Lyan Lopez dahil sya lang naman ang girlfried ni Edward! Super yaman din nung bruhitang yun kaya umiwas ka." I sighed. Mukhang, kelangan ko nga talagang umiwas sa kanila dahil mukhang sila yung mga villains sa mga binabasa kung libro.

"Thank you for the heads up. Wala naman ako balak na lumapit sa kanila eh kaso seatmates ko sila sa ilang subjects." Now that I know them, I must be very careful in dealing with them.

"So, Kirsten, ano naman dahilan mo bakit ka nagtransfer dito?" Mary.

"Actually, this isn't the first time; I've been to other universities before KVU. It is simply because I always got bullied."

"Oh I'm so sorry." Mary

"It's okay. Medyo sanay naman na ako." I said trying to hide the pain I feel every time na maaalala ko ang mga pambubully sa 'kin. "So matagal na kayo dito sa school?" I asked to change the topic.

"Yes, 4 years na. Mary and I were best friends since high school. Good thing pareho kaming nakakuha ng scholarship kaya nakapasok kami dito. Di rin kasi basta-basta ang tuition dito, biruin mo, million ba naman." Niña said.

ME & YOU (Completed)Where stories live. Discover now