CHAPTER 18

817 50 11
                                    

KIRSTEN'S POV:

STUDENT PAVILLION...

"What?! Si Edward ang prince charming sa panaginip mo?!" Mary cried out.

"Ssshhh..Huwag kayo maingay please..." I rebuked.

"Paano nangyari yun? Di ba since bata ka palang napapanaginipan mo na yung Prince Charming?" Asked Niña. I nodded in response. Alam nila ang tungkol kay prince kaya tulad ko, gulat na gulat din sila nung kinuwento ko yung napanaginipan ko kagabi.

"Hindi ko din maintindihan eh. Ang alam ko lang, when the man in my dreams turned to look at me, si Edward yung nakita ko. I even screamed his name when I woke up."

"Oh my gosh, so ibig sabihin all this time, sya yung man of your dreams?" Kinikilig na sabi ni Mary.

"Ewan, naguguluhan talaga ako."

"So, meant to be talaga ang pagkakalipat mo dito at pagkikilala nyo kasi since you were a kid, sya na pala ka-destiny mo. Ayieeeh..." Niña teased.

"I don't know...or maybe fate is just playing tricks on me." Malungkot na sabi ko. "Instead of feeling kilig, I felt disappointed when I woke up." I shrugged my shoulders.

"Nadidisappoint ka kasi yung prince charming na ineexpect mo ay hindi pala yung lalaking binuo mo dyan sa isipan mo. Wala naman kasing lalaking perfect. Mr. Right pwede pa, pero si Mr. Perfect, hindi yun nag-eexist." Mahabang pahayag ni Mary.

"Besides, aminin mo man o hindi, si Edward ang real life knight in armor mo di ba? Na-prove na nya sayo yan ng maraming beses." Niña.

Yun nga ba ang dahilan? Pero paano kung hindi naman talaga sya yung lalaki sa panaginip ko? "Baka naman kaya sya yung nakita ko sa panaginip ko kasi sya yung lagi kong kasama? Tapos sya din yung huling kausap ko last night."

"Buang ka talaga! Ikaw na mismo nagsabi na parang totoo yung panaginip mo!"

"Oo nga, pero di ba ang sabi nila, kadugtong ng iniisip mo yung mga panaginip?" I insisted.

"Eh pano mo ieexplain yung mga panaginip mo nung bata ka? So ibig sabihin sa dami ng beses na napanaginipan mo si Prince Charming, ganon din kadaming beses na iniisip mo sya? Eh hindi pa kayo magkakilala nun." Niña.

"Ewan, pero di ba, laging nakatalikod or malabo yung mukha nung prince sa panaginip ko. Kaya possible na hindi si Edward yun. Baka nagkataon lang yung kagabi." Pagpupumilit ko pa ring sabi.

"Sige ipilit mo pa! Baka sakaling umubra!" Niña said sarcastically.

"Until when are you going to be blinded on what's happening around you Kirsten? Have you ever thought that maybe, gumagawa ng paraan ang tadhana para mareliazed mo na yung taong matagal mo ng hinahanap eh andyan na pala." Mary.

"Huh?"

"Magmaang-maang ba? Siguro kaya finally nakita mo na ang mukha ni prince who turns out to be Edward para iparealized sayo ng universe na hindi mo na kailangan tumingin pa sa malayo kasi yung taong nakalaan sayo ay nasa tabi mo na. Oh ayan, ni-rephrased ko na ah, siguro naman maiintindihan mo na." Ang harsh talaga magsalita ni Mary minsan, na-gets ko naman. Ayaw lang talaga mag-sink in sa utak ko.

"You just have to open your heart Kirsten. Kasi, kami super tagal na naming napapansin na mahal nyo na ni Edward ang isa't isa pero parang nagpipigil lang kayo." Niña.

"Bakit napunta na sa love ang usapan? Hindi ba dapat kay prince charming tayo magfocus?"

"Kasi nga, si Edward ang prince charming mo! Kailangan mo lang tanggapin." Niña stressed out.

ME & YOU (Completed)Where stories live. Discover now