Mundo ko 08

4.5K 87 8
                                    

Lumingon ako kay Neil ng may ngiti sa mga labi. Nabubuhay ako sa sarili kong mundo, yung mundong ako lang ang nakaaalam.

Sinasayaw n'ya raw ako habang nakatingin sa amin yung lahat ng tao. Alam n'yo ba yung feeling na iniingatan ka ng taong mahal mo?

Yung inaalagaan, minamahal, iniingatan, pinapangiti at marami pang iba na sa taong mahal molang mararanasan.

At lahat ng yan, totoo sa mundo ko. Walang problema, walang may masamang tao. Walang mayaman at mahirap, basta ang lahat ay pantay pantay.

Araw-araw akong ganito araw-araw akong nakangiti ng walang dahilan kundi si Neil lang, ang lalaking itinakda sa akin.

Ang swerte ko noh? Kase ang campus love ay nakatakda para mahalin ako.

Mahalin ang simple at mahirap lang na ako.
Hindi ba kapani paniwala?

Pwes, totoo yan sa mundo ko.

"Hoy nananaginip kana naman ng mulat ang mga mata." Nabalik lang ako sa huwisyo nung magsalita ang true friend ko.

Yeah ako ito, si Carmela Quinto, araw-araw nananaginip ng gising habang nakatulala sa kung saan.

Ako ito, at yan ang mundo ko.


DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon