Kailan 034

1K 41 1
                                    


Tumingala ako ng pasimple upang matanaw ko rin ng pasimple si crush. Nandoon nga pala s'ya sa second floor habang ako ay nandito sa garden, tinatanaw ko s'yang masaya sa piling ng iba. Mahal na mahal ko s'ya ngunit may mahal na s'yang iba, at yon ay ang Quuen Bee namin. Ano nga naman ba ang laban ng isang normal na kagaya ko sa Queen bee ng paaralan. Wala!

3 years ko na s'yang pinapangarap at 3 years na rin akong nagtatanong sa sarili ko kung kailan kaya ako mapapansin ni Crush?
Kailan n'ya kaya ako ngingitian gaya ng pagngiti n'ya sa Queen?
Kailan kaya n'ya ako makikita bilang isang babaeng nagmamahal sa kanya at hindi bilang isang babaeng normal lang na parang walang pakielam sa mundo.
Kailan kaya ako kikiligin sa mga sweet at corny n'yang jokes?
Kailan kaya?

Sa loob ng tatlong taon, halos araw araw akong nagtatanong sa sarili ko kung kailan?
Pero hanggang ngayon hindi pa rin iyon nabibigyan ng kasagutan. Hanggang ngayon kase, umaasa pa rin ako kahit alam kong malabo na.

Hanggang sa isang araw nagising na lang ako na bago na pala ang lahat.
Wala na akong nararamdaman sa long lost crush ko.
Sa hindi malamang kadahilanan, nainlove na pala ako sa taong kahuli-hulihan sa listahan ko.
Si Jeron Alcantara, ang lalaking aakalain ng lahat na hindi nag-eexist ngunit isang araw nagbago na ang lahat.

Dahil ang isang talunan noon ay malaGreek God pala talaga.

Nasagot na ang katanungan ko.
Nahanap ko na kung kailan ko mararamdaman ang pagiging in-love.
Hindi man sa kanya ngunit kay Jeron pala, akala ko noon masaya na akong makita ang crush ko, ngunit mas sasaya pala ako nung natagpuan ko na ang greatest love ko.

Ang tanong ko na lang ngayon ay...
...Kailan kaya s'ya titigilan ng mga fangirls n'ya?
Pero imposible yun!

























DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon