Slow 024

1.1K 34 0
                                    

Dumukdok ako sa desk dahil sa kahihiyan. Bakit ba kase sa dami pa na bibigyan ni Lord ng ganitong talento ay ako pa!

"Slow!" Again and again, naririnig ko na naman ang mga salitang gusto ko ng kalimutan at alisin sa utak ko noon pa.

Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nadidiskubre kung paano ko aalisin, kaya hanggang ngayon ay sariwang sariwa pa sa utak ko ang salitang slow.

Minsan, gusto ko na talagang iuntog yung ulo ko para paggising ko may amnesia na ako.
Kaya lang huwag na lang pala kase masakit mauntog eh.

"Slow!" Please. huwag naman ganito, nais ko namang maging matalino eh.

Sa pagdukdok ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kaya ang ending, nandito ako ngayon sa likod at naka-skwat.

Ayoko talaga sa mga terror, naiirita lang ako tapos ang sakit pang magsalita.
Sabihan ba naman akong Valedictorian nga pero masama namang ehemplo sa mga kaklase n'ya. Nakuu, ang mga kabataan talaga sa panahon ngayon!

Lihim ko na lang na kinukulam sa isip ko yung teacher na yon.

Noon hindi ako sa kanila naniniwala, pero ngayon napagtanto kong tama nga pala sila. Na ang taong matalino, pagdating sa pag-ibig ay bobo.



DAGLIWhere stories live. Discover now