Baril 09

3.5K 78 6
                                    

Inambaan n'ya akong papuputukin ang baril na hawak niya kaya wala na akong nagawa kundi itaas ang dalawa kong kamay.

Naglalakad lang naman ako ng matiwasay dito sa eskinita pero nagulat nalang ako nung may nagtutok na ng bigla na lamang may nagtutok ng baril sa aking ulo mula sa likod.

Armado sila, inosente lang ako. Dalawa sila, isa lang ako. Ito ba 'yong sinasabi nilang ride in tandem dahil meron silang sinasakyan na single at nakahinto sa gilid ko.

Wala na akong nagawa pa kundi ibigay ang bag at pera ko. Basta ang nasa isip ko na lamang ay ang magdasal na sana, huwag n'yang papuputukin ang baril na hawak niya.

Di baleng makuha na sa akin ang lahat huwag lang akong mamatay.

Umalis na sila kaya nakahinga na ako ng maluwag, pero bago pa sila makalayo... Itinutok sa akin nung isa yung baril kaya wala na akong magawa kundi matulala at maestatwa habang nakatingin sa hawak niya.

Ikinasa na niya, hanggang sa nakarinig nalang ako ng putok.

Pero wala akong galos, at buhay parin ako. Bagkus ang lumabas sa bunganga ng baril ay confetti na sumabog sa ulunan ko sabay sabi ng mama na CONGATULATIONS.

Ngayon lang ako nakakita ng baril na confetti ang laman, swear.

Pero wait y-yung bag at pera kooooooooo.



DAGLIWhere stories live. Discover now