Lutang 012

2.8K 66 7
                                    

Itinaas ko pang lalo ang aking mga kamay, yep. Feeling ko nakalutang ako dito sa langit.

Masyado kasing mahangin kaya mas pinag-iigihan ko pa at pumikit ako ng todo para mas feel ko talaga.

Ang hangin, ang presko, ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito nalang palagi. Kahit mainit, may hangin pa rin.

Ano kaya ang feeling ng nakalutang o lumilipad sa hangin na parang mga anghel?

"Hala yung babae, lutang na yata."

"Oo nga tinataas pa niya yung kamay niya na parang lumilipad."

Nabalik ako sa katinuan dahil sa narinig kong boses ng mga bata.

Oo feeling ko nakalutang ako pero hindi naman ako nakalutang talaga dahil lutang lang ako.

Ha?

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon