Ice Cream 026

1.6K 40 1
                                    

Kumakain ako ng favorite vanilla flavored ice cream ko dito sa 7-eleven. Ang init ng sikat ng araw kaya tamang tama lang talaga ang ice cream ngayong araw. Noong umuulan, hinihiling ko na sana uminit pero ngayong mainit na, parang gusto kong umulan na lang muli.
Ganyan ako kagulo!

Dahil nandito ako sa 7-eleven ngayon, medyo napawi na ang init na nararamdaman ko. Salamat na lang talaga at may ice cream na naimbento ang mga tao. Saan kaya nagmula ang ice cream?
Well, hindi ko alam.

Tumingin ako sa salamin hanggang sa tumagos ang tingin ko at namalayan ko na lang na pinapanood ko na pala ang dalawang taong magkasintahan.

Pero, magkasintahan ba talaga o mag-ex na?
Sa napapansin ko, parang hindi kase sila sweet sa isa't isa.

Ganyan naman talaga ang buhay, ipararanas lang sa'yo ang panangdaliang saya pero kapag nag-eenjoy ka na saka naman may dadating para sirain ito. Kaya nga ayokong magmahal dahil naniniwala ako na kahit gaano pa katatag ang isang relasyon, darating pa rin ang panahon na kailangan ng sumuko ng isa dahil kung hindi, parehas lamang silang hindi makaaahon sa lubak at lupit ng pag-ibig.

Ganyan ang tadhana, masyadong unfair. Hindi nila iniiisip kung ano ba talaga ang tunay na nararamdaman natin, parang ice cream lang rin yan.

Kapag hindi mo kinain ng mabilis, kaagad yang malulusaw hanggang sa dumating ang punto na hindi na masarap. Matabang na, wala na kase yung dating lasa!













DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon