Lingon 018

1.5K 50 4
                                    


Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata, nandito ako ngayon sa parke kung saan madalang na lamang pinapasyalan ng mga tao.

Bakit nga ba ako nandito ngayon? Mayroon namang bagong park sa kabilang baranggay pero bakit nga ba dito ko napili?

Dahil alam kong hindi ko na kailangan pang magpanggap na masaya, dito ko lang kase nailalalabas ang lahat ng sakit na nadarama ko.

Tatlong beses n'ya na akong niloko at ilang beses ko na ring tinangka na iwanan s'ya pero sa bawat lingon ko ay tanga na naman ako!

Bulag na naman ako sa katotohanang hindi lang ako ang nag-iisa sa buhay n'ya.

At heto na nga ako, umiiyak na naman ng dahil sa iisang dahilan.

Sinabi n'yang mahal n'ya ako kaya pinanghahawakan ko iyon dahil mahal na mahal ko rin s'ya. Pero worth-it pa ba yung pagtitiwala ko?





Nagpasya na akong tumayo at iwanan ang lugar na ito, kasama ang pag-iwan ko sa sakit. Halos apat na oras na pala akong nagmumukmok ng hindi ko manlang namamalayan, hindi ko man lang namalayan na malapit na palang mag-umaga.

Bago pa ako makahakbang ay may naramdaman akong kumalabit sa akin mula sa likuran. Hindi ko na lang pinansin dahil baka guni-guni ko lang, pero nakakadalawang hakbang pa lang ako ay naulit na naman ito ng dalawang beses kaya napayuko na lang ako.

NO! Huwag mo naman akong kalabitin oh, sawang sawa na kase akong lumingon pa. Hindi ako manhid para hindi masaktan, please naman huwag mo akong bigyan ng dahilan para lumingon na naman, para maging tanga na naman.
Nais ko sanang sabihin ang mga salitang yan sa taong kumakalabit sa balikat ko ngunit wala na akong lakas pa.

"Minsan, hindi masamang lumingon sa mga bagay na magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Masyado ka lang nabulag ng sakit at sakit na naman! Sana magawa mong hanapin ang tunay na saya hindi ang saya, kapag kaharap lang sila. Ramdam kong marami ka ng napagdaanang sakit at kirot, ako rin naman, madalas pa nga. Pero palagi rin akong naghahanap ng rason para maging masaya. Huwag mong ilugmok ang sarili mo sa habang buhay na karimlan, maalala mo sanang mayroon ring liwanag na walang hanggan."

Ano daw?

Agad akong lumingon sa nagsalita ngunit ang nakita ko na lamang ay ang lumalayong pigura nito.

Napatingala ako sa langit dahil unti unti ng lumalabas si Haring Araw.

Bakit hindi ko nakita ang tunay na ganda ng mundo? Ginawa nga pala tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang!

Pangako, sa paglingon ko ay hahanapin ko ang rason para sumaya ako, at kapag nagtagumpay ako... Sana... sana magkita pa tayong muli.

Napangiti na lamang ako dahil sa pagkakataong ito, hindi ko pinagsisihang lumingon ako.



DAGLIWhere stories live. Discover now