Bisekleta 023

1.3K 37 0
                                    


Pinedal ko ng mabilis ang aking bisekleta. Alam n'yo bang palagi akong napagkakamalang baliw dahil palagi akong naa-out of place.

Palagi kase akong nag-iisip ng mga bagay na hindi binibigyang pansin ng mga tao. Tulad na lang ngayon, habang nagpipedal ay nag-iisip ako.

Paano ba kaseng umuusad ang bisekleta?

Simple lang, kailangan n'yan ng dalawang gulong.

Parang sa relasyon, kailangang gumana ang dalawa para maging maganda ang takbo nito dahil kung hindi, maaari ka lamang maaksidente at masaktan.

Kailangang dalawang gulong ang umahon sa putik dahil kung hindi, maiiwan ang isang nakalubog.

Ang buhay ng tao ay parang gulong lang rin. Habang hindi mo pa natatagpuan ang dulo sa gulong ay patuloy ka lamang iikot.

Masasaktan, magiging masaya, tatawa, kikiligin, luluha, mapapahiya at marami pang iba. Pero meron bang una at huli ang gulong?

Kase sa tingin ko, wala naman yata.

In short, hindi natatapos ang problema ng tao. Kahit umiwas ka ng umiwas ay makararanas ka pa rin nito.

Sa problema nga lang tayo nagkakapantay-pantay eh.
Mahirap ka man o mayaman, diba lahat tayo ay makararanas ng problema?!
So fair pa rin naman si God!
Hindi lang natin inaalam.

"Leslie" Tumigil ako sa pagpedal dahil narinig ko ang pangalan ko.

Lumingon ako sa kung sinong tumawag at doon ko lang narealize na kung hindi ako tinawag ay makalalagpas pala ako sa dapat kong puntahan.

Bumaba na ako upang salubungin ang mga kalaro ko dito sa park.

Ang relasyon ay parang bisekleta. Kailangang ipedal ng maayos upang mapunta sa tamang lugar. Manibela na magtuturo sa iyo kung dito ba o doon, kung sa tama ba o hindi. Kung sa ikasasaya n'yo ba o ikagagalit.

Dalawang gulong na kailangang dapat parehas na gumagana. At preno kung dapat ka bang magpatuloy o huminto na dahil nasasaktan ka na.





DAGLIWhere stories live. Discover now