Piso 030

1.4K 39 0
                                    

Hinugot ko ang piso sa bulsa habang naglalakad ako rito sa gitna ng kalsada. Sabi ng matanda kanina, dahil daw sa piso na ito, makikilala ko ang greatest love ko. Ayoko pa sanang maniwala nung una, kase err ng dahil talaga sa piso? Pero naisip ko na wala namang mawawala sa akin kapag naniwala ako diba!

Kinikilatis ko talaga ito ng mabuti, kase sabi pa ng matanda na espesyal daw ito.

Pero bago yun, kung iniisip n'yo na tinulungan ko ang matanda o may power s'ya. Pwes nagkakamali kayo.

Ganito kase yun.
Bibili na sana ako ng dirty ice cream pero hindi ko naituloy dahil hinablot ng bata yung pera ko at tumakbo na ito papalayo. Hahabulin ko na sana pero pinigilan ako ng matandang kasama nito at sinabing ang kapalit raw ng 100 pesos ko ay piso!

Kahit labag sa kalooban ay tinanggap ko na, wala naman na akong magagawa pa.

At heto na nga ako ngayon sa gitna ng kalsada, naglalakad habang iniisip kung paano kaya mangyayari ang sinasabi ng matanda.

O pak! Nabitawan ko yung piso at gumulong ito papunta sa imbornal. No! Sa abot ng makakaya ko ay hinabol ko ito pero alam kong hindi ako magtatagumpay kaya nawalan na ako ng pag-asa, pero buti na lang at may tumapak upang mapigilan ito, salamat sa may nagmagandang loob.

Habang nakatingin ako sa paa nito ay kasabay naman ang pagbusina ng mga sasakyan kaya dali dali akong lumihis, ganon rin ang ginawa ng may magandang loob.

"Dahil lang sa piso magpapakamatay ka?" Tanong n'ya kaya nawala ang atensyon ko sa paa n'ya at lumipat sa mukha n'ya.

As in? Napanganga na lang ako sa gulat dahil ang crush ko ang na sa harapan ko ngayon.

Hindi ko akalain ng dahil lang sa piso ay papansinin ako ng long lost crush ko.
Salamat sa'yo lola😄








DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon