Suklay 022

1.4K 35 0
                                    


Tumalon ako sa saya dahil sa natanggap kong suklay mula kay Tatay.

Pasko nga pa la ngayon kaya nag-exchange gift na kami ng dalawa kong kapatid at sa ka nila Nanay at Tatay.

Agad na akong nagpaalam sa kanila upang pumanhik sa kwarto ko. Excited na kase akong gamitin itong suklay na niregalo sa akin ni Tatay.

Kulay pink s'ya na paborito ko.
Humarap ako sa salamin ng may ngiti sa labi at sinimulan ko ng suklayin ang buhok ko.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay napawi ang ngiti sa aking mga labi.

Pwede bang humiling kay God na ibalik n'ya ang dati? Pwede ba yon?

Kung hindi ko sana pinaglaruan ang buhok ko ay hindi ako magkakaganito. Kung hindi sana ako nagpakulay ng madalas edi maayos pa sana ito. Kung hindi sana ako naallergy ay hindi ako magsisisi ng lubos. Kung hindi ako naging tanga noon ay ok pa kaya ang lahat ngayon?

Nagtampo nga ba ang buhok ko? Nakakalungkot lang isipin na ang dating malambot at makinang kong buhok noon ay...

Pinulot ko na lamang ang nalaglag kong wig sa sahig. Tulad ng inaasahan, kulay pink rin ito kagaya ng paborito kong kulay.

Wig na kulay pink!

Habang nakapatong ito sa hita ko ay sinusuklay ko ito para maging maayos ng muli.

Sinabayan ko na rin ng pag-iisip na ang sarap siguro sa pakiramdam na suklayin ang tunay mong buhok. Ang sarap sigurong suklayin yung buhok ko nung hindi pa ako kalbo ngayon.







DAGLIWhere stories live. Discover now