Kaibigan 035

2.4K 47 2
                                    

Sumigaw ako ng todo at sisigaw pa ako maramdaman lang n'ya na nag-eexist ako dito sa mundo.

Nandito kami ngayon sa kweba kasama ang mga kaibigan ko
At kasama s'ya. Pero ni minsan hindi n'ya manlang ako tinapunan ng tingin. Ang saya diba?
Ang sayang maging tanga!
Sa sobrang saya nga gusto ko na lang magsusumigaw at magwala na parang baliw, ayyyy parang tanga pala.

Ano nga ba ang ginagawa namin dito?
Hmn, kase nagkayayaan lang naman. Maghahanap ng ginto, maghahunting ng mga paniki, madadapa ng dahil sa dilim, mamamangha dahil sa mahihirap intindihing mga nakaukit, ano pa ba? Ahh at gagawa ng memories, yung memories na mahirap talagang kalimutan kahit patay ka na.
Yan ang mga gusto naming maranasan kaya napunta kami dito.

"Sorry!" Sabi ng kaibigan ko na halata namang sinadya n'ya kaya naghanda na ako ng mahabang pangaral.
Nakakainis na bigla ka na lang itutulak ng walang dahilan diba?

"Sa susunod na uliti---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko na sigaw na yata dahil pasimple n'ya na naman akong tinulak pero wala na akong narinig na paumanhin hindi tulad ng kanina.

Asaaarrrr! Babatukan ko na sana ito dahil sa ginawa n'ya pero hindi ko naituloy kase naramdaman kong may nakaalalay sa akin mula sa likod. Chansing to ah!

Humarap kaagad ako rito at nashock ako dahil si crush pala ang umaalalay sa akin pero wait take two nga!

"Ayyy!" Naisigaw ko nalang dahil natapilok ako kaya nasubsob tuloy ako sa dibdib ni crush. Sa halip na tanggalin ay nagpanggap nalang ako na napilayan para buhatin n'ya ako at magiging kami na at...

"Aray" sabi ko dahil binitawan ako ng bwisit kong crush at iniwanan lang na parang walang nangyari pero kahit ganon ok lang atleast nahug ko s'ya.

Akala ko salot lang sa lipunan ang kaibigan pero pinatunayan n'ya na mali ako ng akala.
Nagkakaaway man kayo minsan ok lang yan dahil lahat ng magkakaibigan dadaan talaga sa away, pero huwag n'yo sanang hayaan humantong pa ito sa kalimutan.

DAGLIWhere stories live. Discover now