Traffic 017

1.7K 48 6
                                    


Pinalakad ko ng muli ang aking sasakyan. Minsan napapaisip ako, kailan kaya ako makakausad ng mabilis sa matinding traffic na ito? Kailan kaya ako hindi maii-stress, 'cause honestly tumatanda na akong maaga dahil sa mga problemang pwede bang lagpasan na lang?

Araw-araw akong nagtatanong sa sarili ko kung bakit kaya sa libo libong tao sa mundo ay ako pa ang napili para magpakatanga.

Sa totoo lang, sawang sawa na akong paulit-ulit na umalis sa traffic, tapos isang araw, matatagpuan ko ang sarili kong nag-uturn na naman ulit. Pwede bang i-ship ang problema tapos bukas masaya na ako automatic?

Napatingin ako sa phone ko dahil nag-vibrate ito.

*1 message receive*

Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko na nakapatong lang sa passenger seat, ngunit natigil ako dahil biglang may bumusina sa akin mula sa likod.

Muli ko na lamang pinausad ang aking sasakyan.

Hindi ko kase namalayang nakausad na pala ang traffic kahit papaano.

Napangiti na lamang ako sa aking naisip. Ngiting may dalawang kahulugan...

-Ngiting aakalain ng lahat na masaya ka talaga.

           At

-Ngiting kahit pilit kang nagpapanggap, nauuwi lang rin ito sa pagbuhos ng pinipigilang mga luha.

Ako kaya?

Kailan kaya ako makakausad sa mapaglarong traffic? Kailan kaya ako matututong tumawa ng totoo? At kailan ko kaya mahahanap ang tamang daan, para makatakas na ako sa kakaibang traffic na ito.

Kailan kaya ako makakatakas sa sakit? May pag-asa pa ba akong makausad para kalimutan s'ya? Kase sa totoo lang, ayoko ng umasa sa salitang kahit kailan, hindi naman naging totoo. Pagod na pagod na akong masaktan!

Pagod na pagod na akong umasa sa salitang imposible. PAGOD NA PAGOD NA AKO!

DAGLITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon