Multo 027

1.4K 35 0
                                    

Agad akong bumalikwas ng bangon dahil sa aking napaganipan. Minumulto na naman kase ako ng nakaraan.

Ang noon na gusto ko ng kalimutan, pero kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin magawa. Patuloy lamang akong
sumusubok at paulit ulit na nabibigo. Kaya ngayon, nagsawa na akong lumaban at umasang matatakasan ko pa ito.

Ang sakit lang sa side ko dahil bakit s'ya masaya na, samantalang ako minumulto pa rin. Gusto ko na ngang lumisan o biglang maglaho dito sa mundo para makalimutan ko na.

Pero hindi pwede, dahil kapag ginawa ko iyon. Mas lalo ko lang pinatunayan sa sarili ko at pati na rin sa lahat ng tao na isa akong mahina at talunan.
Talunan na hindi ko tinataglay at hindi ko tataglayin kailanman!

Tanghaling tapat na pero heto pa rin ako sa kama at nakahiga habang mulat ang mga mata, nag-iisip ng mga bagay na imposible pala talaga.

Pero kung kayo rin siguro ang na sa sitwasyon ko baka ganito rin ang gawin n'yo.
Magpakaemo, magsuot ng itim at puting damit. Yung tipong aakalain ng lahat na makakakita na dalawang kulay lang ang damit mo. Pero ganito kase ako kaweirdo!
Lalo na kapag durog itong puso ko.

Ang unfair ng tadhana!
Kung s'ya masaya na, diba dapat ako rin?
Pero hindi eh, dahil paulit ulit pa rin akong minumulto ng nakaraan.

Nakaraang sana hindi na dumating pa!
Minahal ko s'ya ng sobra ngunit hindi pala kami ang para sa isa't isa.
Masaya na s'ya sa piling ng iba pero ako?
Heto, patuloy pa ring umaahon sa lubak kahit wala na akong gasolina.













DAGLIWhere stories live. Discover now