Bola 013

2.5K 63 10
                                    

Sinapo ko ang bola ngunit iniwasan lamang ako nito.
Kahit paanong kuha ang gawin ko, palagi lang akong nabibigo. Sa halip na tamaan ako sa mukha, iniiwasan ko nalang minsan. Sino ba naman kase ang may gustong magkapasa sa mukha?

Para nga akong virus na nilalayuan nito, sa tuwing hahabulin ko ay mas lumalayo pa ang buwiset na bola. Kung ayaw niya sa akin? Pwes mas lalong ayaw ko sa kaniya! Binigay ko naman ang best ko para makuha siya pero hindi pa rin naman pala naging sapat.

Palagi tuloy akong pinag-iinitan ng mga kagrupo ko. Dumating pa nga sa puntong hindi na ako ipinasok sa team at pinalabas nalang nilang nakalaro na ako.

Sobrang sakit isipin, sobrang hirap tanggapin.
Kaya nangako ako sa sarili kong balang araw, gagaling din ako sa larangan ng balibolista, pangako 'yan.

Ngunit sino nga ba ang niloloko ko?
Isa lang naman akong hamak na lampa, na sa tuwing darating ang bola sa puwesto ko ay nagpapanic ako. At sa lahat ng may kinalaman sa sports ay mahina ako.
Wala nga kasi akong pakinabang, isa nga lang pala akong pabigat na nabubuhay rito sa mundo.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon.
Nagsawa na rin akong maging lampa at tanga.
Nagsawa na akong maging talunan sa mga mata nila.

Tiniis ko lahat ng sakit, pagod at pagkalumpo.
Isang taon na akong nagpapraktis ngunit parang wala pa rin. Isa pa rin pala akong malaking talunan.

Ngunit iyon ang akala ko!

"Miss MVP, pinapatawag ka na po ni Coach" nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabi ng isa sa kateam mate ko.

Lumabas na ako sa lungga ko at paglabas, ang sumalubong sa akin ay ang mga nagwawalang tao na pilit isinisigaw ang aking pangalan. Ganito na ba talaga ako kagaling sa larangang ito?!

Napailing at napangiti na lang ako sa nagbalik na ala-ala ko noon. Ala-alang nagsimula sa pagiging talunan. At eto na ako ngayon, nakatayo sa sariling mga paa habang ngumingiti ng may galak at saya. Natupad ko na ang sana ko lang noon.

Sino bang mag-aakala na ito pala ang kapalaran ko? Ayoko talaga ng bola noon, ngunit sa bola na umiikot ang mundo ko ngayon.


DAGLIWhere stories live. Discover now