Bituin 019

1.9K 46 1
                                    

Humakbang ako ng isa ngunit hindi na nasundan pa dahil sa aking narinig.

"Susungkitin ko ang bituin, para sa babaeng habang buhay kong mamahalin." Ano raw?

Napatawa ako ng lihim dahil sa sinabi ng binata. Susungkitin n'ya ang bituin? Kalokohan!

Yan ang hirap sa mga kabataan ngayon, masyado na silang sabik na makaranas ng pag-ibig. Ngunit paano sa sakit? Aakalain mo na lang na wala ng forever dahil sa mga taong bitter.

Huwag kase tayong masyadong atat na magmahal, ayan tuloy maagang nasasaktan ang sariwa nating puso.

Pero dahil sa pag-ibig na yan, nagbago ang pananaw ko sa buhay.

Akala ko kase noon, basta may pera makukuha mo na ang lahat ng naisin mo, ngunit nagkamali ako.
May mga bagay pa lang hindi kayang bilhin ng pera.


Muli na lamang akong humakbang para makaalis sa dalawang taong naglolokohan.

Pero bago pa ako makalayo ng tuluyan, narinig ko ang huling naging turan ng binata.

"Ipangako mo sa aking ako lang, dahil dito sa puso ko ay nag-iisa ka lang. Handa akong gawin ang lahat mapasaya ka lang, pangako yan!"
Huh? Ang galing n'ya namang magpatawa, s'ya lang? Imposible!

Hindi ako naniniwala! Dahil mahirap magtiwala sa mga masasarap na pangako at salita!

😂😂😂

Umiling na lamang ako at tuluyan ng humakbang para mapuntahan ko ang iskuwelahang noon pa man ay gusto ko na talagang kalimutan.
Pero tanga itong puso ko! Sobrang tanga!

Ang pag-ibig ko pala sa kanya ay parang bituin sa kalangitan. Kahit gawin ko ang lahat ng makakaya ko upang abutin ito ay patuloy lamang akong nabibigo.

Alam n'yo yung masakit? Yun yung aminin mo na sa sarili mong kailanman ay hindi mo s'ya mahahagkan at tanggapin ang katototohang hanggang tingin ka na lang.

Umupo ako sa masaganang damo at tumingala sa langit. Kailan kaya ako magiging masaya?

Nagulat na lamang ako ng may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Kung kaya't nilingon ko ito.

"Kailanman ay hindi mo kayang abutin ang bituin sa kalangitan. Pero nagsisilbi rin itong liwanag para hindi ka maligaw.

Maraming bituin sa kalangitan, pansinin mo naman sana ang iba, dahil hindi lang s'ya nag-iisa kung hindi marami sila!"



DAGLIWhere stories live. Discover now