Daan 011

3K 72 8
                                    


Humakbang ako papunta sa daang maluwag ngunit parang may pumipigil sa akin at meron din namang nagtutulak sa akin na pumasok.

Ano ba ang dapat kong piliing daan?

Ang daan na masikip at puno ng tinik o ang daan na maaliwalas at maluwag.

Ano?

Humingi ako ng gabay sa Diyos dahil hindi ko alam pero basta bahala na... sa hindi maipaliwanag na dahilan, mas pinili ko ang daan na masikip at puno ng tinik kaysa sa maluwag na daan.

Hindi ko alam kung bakit ito ang pinili ko, may bumubulong kase sa aking ipagpatuloy ko lang. Kahit ang totoo nagdurugo na ang mga paa at binti ko.

Gusto kong umiyak dahil bakit ito pa kase ang napili kong daan? Pero bakit parang wala akong nararamdamang pagsisisi kahit  na kaunti.

Kung kailan namang kailangan ko ang katawan ko saka pa ayaw makisama.

Pagdating sa dulo, nagulat ako dahil napakaganda ng dulo nito. Para akong nasa paraiso. Paraisong nanaisin ng kahit na sino. Paglapat ng paa ko sa napakalinis na tubig nito na parang daluyan ng tubig. Nagulat ako dahil napakasarap nito sa pakiramdam at unti-unti ng naghihilom ang mga sugat ko sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Hanggang sa may narinig akong boses, napakagandang boses. "Ang lahat ay dumadaan sa pagsubok, mas masakit mas magiging matatag ka na mauuwi sa magandang resulta. Natutuwa ako dahil mas pinili mong magdusa pansamantala kaysa magdusa habambuhay."

Nakita ko yung daang maluwag kanina, unti unti itong dumidilim at sa dulo nito ay may bangin na parang walang katapusan. Sa baba ang sasalubong sa iyo ay ang nagbabagang mga apoy. Sobrang init, sobrang sakit.

Agad akong napabalikwas ng bangon, anong klaseng panaginip 'yon?

Napaisip naman ako kung ano ba dapat ang magandang daan.

Daan na magpapabago ng buhay ko o daan na ilulugmok ako sa kahirapan habang buhay?

Sana hindi ako magkamali ng daang tatahakin, sana gabayan mo po ako Ama.

DAGLIWhere stories live. Discover now