Chapter One

6.8K 160 11
                                    

CHAPTER ONE



Fernando Air Base, Lipa, Batangas. 2004.

MALAYO pa si Rain ay nakita na niya ang sasakyang kulay puti, obviously ay nasiraan. Mag-aalas-sais na ng hapon at kagagaling lang ng binata sa pagjo-jogging.

"Excuse me, pare anong problema?" aniya nang makalapit. Natural na sa kanya ang mag-offer ng tulong kapag nakita niyang kailangan. Palibhasa'y laking probinsya kaya hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya ang ugaling matulungin.

"Flat tire." Lumingon ang sumagot mula sa pagkakayuko.

Nagulat si Rain nang makitang babae pala ito. Naka-bonnet kasi ito at nakatalikod kaya hindi agad niya nalaman. Pero nang makita niya ang mukha nitong napakinis at mala-anghel ay agad siyang napalunok. Para niyang nakaharap si Natalie Portman. Bahagyang natigilan ang binata, hindi nga naman kasi araw-araw na na nabibigyan siya ng pagkakataong makakita ng ganoong klaseng kagandahan. Puno ng kainosentehan.

"Hindi ako masyadong marunong magpalit ng gulong e." narinig niyang pahayag ng babae.

"Ah, eh tulungan na kita," mabilis na sagot ni Rain. Ngumiti pa siya.

"Thank you ha." Ngumiti rin ang babae, lumabas tuloy ang pantay-pantay nitong ngipin, animo'y model ng toothpaste. Saka na-realize ni Rain na napakabata pa ng babae, wala pa yatang disi-otso anyos. Menor de edad sa madaling salita.

"Taga-saan ka?" Hindi nakatiis na tanong ng binata habang nagpapalit ng gulong.

"Dito lang sa loob ng air base." sagot nito. "Ikaw, piloto ka ba?"

"Hindi pa." ani Rain. "Hindi pa tapos ang training namin sa flying e."

"Oh. So magiging pilot ka eventually." She smiled. Kumabog ang dibdib ni Rain.

"Sana!" natatawang sagot ng binata.

Hindi nagtagal ay napalitan na ang gulong ng kotse. Bumakas ang matinding tuwa sa mukha ng babae, na ikinasiya naman ni Rain.

"Hey, thank you ha. Ano nga pala pangalan mo?" kaswal na tanong ng babae.

"Rain ang tawag sakin ng mga kaibigan ko." Inilahad ng binata ang kanyang kanang kamay, na agad namang tinanggap ng babae.

"I'm Ginny," anito. "Halika, sakay na para maihatid kita. I'm sure malapit ka lang naman dito."

"Oo, diyan lang ang barracks ko e." Itinuro ng binata ang direksyon ng tinutuluyan sa bagong kakilala. Agad naman nilang narating iyun.

"Malapit ka nga lang talaga sa amin," komento ni Ginny nang makababa ang binata.

"Thank you ha." ani Rain.

"Ako nga ang dapat mag-thank you dahil tinulungan mo ako."

"Wala 'yun!" Ngumiti pa ang binata. "Sige."

Nang makaalis na ang babae ay saka humakbang si Rain para pumasok sa barracks ng mga opisyal na nagti-training para maging piloto. Agad siyang sinalubong ni Toby na classmate niya.

"Bok, tamang-tama ang dating mo. Me tawag ka sa military line- si Lilibeth!"

Nagtaka siya bakit sa military line tumawag si Lilibeth e puwede namang sa cellphone. Pero para na ring sinagot ang tanong niya nang muling magsalita si Toby.

"Nawala daw ang cellphone niya kagabi."Sa narinig ay mabilis na tinakbo ni Rain ang kinaroroonan ng nag-iisang military phone sa barracks nila.

"Salamat bok."

Dalawang taon na niyang girlfriend si Lilibeth. Nasa PMA pa si Rain nang makilala niya ang babae, na noon naman ay isang nursing student sa St. Louis University sa Baguio City. Ngayon ay ganap nang nurse ang babae at nagtatrabaho sa Baguio General Hospital. Hindi puwedeng bumaba si Lilibeth para puntahan siya sa Batangas kaya nagkakasya na lamang sila sa tawag at text.

May fifteen minutes ding nag-usap sina Rain at Lilibeth. As usual, nag-update lang sila ng mga pangyayari sa kanilang buhay. Matapos ang phone call ay pumasok na sa kanyang kuwarto si Rain upang mag-review. Ganoon na ang routine niya simula nang maging flying student- kung walang lipad ay nagri-review ng mga notes o di kaya ay tumatakbo upang mapanatiling fit ang kanyang katawan. Adjusted na siya sa kanyang buhay sa air base. Hindi man ganu'n ka-exciting, at least hindi rin complicated. Kontento na si Rain na tahimik ang buhay niya.

Ang hindi niya alam, nakatakdang magbago ang inog ng kanyang mundo dahil sa simpleng pagtulong na ginawa niya ng hapong iyun.

"TUPAZ, may naghahanap sa'yo!"

Nasa flight line si Rain at kasalukuyang nakikipag-usap sa mga kasamang flying students nang tawagin ng kanilang instructor pilot. Agad siyang tumayo upang tingnan kung sino ang naghahanap sa kanya.

"Ginny?" hindi siya makapaniwalang naroroon sa may flight line ang kanyang nakilala noong isang araw. "Paano mo nalamang nandito ako?"

"Hi Rain!" bati ng babae. "Maliit lang naman itong Fernando Air Base, madali lang maghanap ng tao," walang anumang sagot nito.

Mabilis na sinipat ni Rain ang babae. Naka-leggings ito na printed at blouse na puti. Nakatirintas ang mahaba nitong buhok, na lalong nagpabata sa itsura nito. Tingin ni Rain ay kinse anyos lang yata ang babae.

"Para nga pala sa'yo." Iniabot ni Ginny ang isang katamtamang-laking tupperware.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ng lalake. Pero obvious na pagkain ang laman ng naturang lalagyan.

"Baked macaroni 'yan, gawa ko. I hope kumakain ka niyan kasi masarap 'yan." Ngumiti pa si Ginny, inosente at neneng-nene ang dating.

Bagama't alanganin si Rain na tanggapin ang bigay ng babae, hindi naman niya maatim na tanggihan si Ginny dahil sinadya pa siya nitong puntahan. Gentleman pa naman siyang naturingan. Matapos magpasalamat ay nagpaalam na siyang kailangan na niyang bumalik sa loob dahil may lecture pa umano sila. Walang anumang umalis na rin si Ginny. Nang sundan niya ito ng tanaw ay napansin ni Rain na ibang kotse naman ang dala nito kesa noong una silang magkita.

Rich girl, konklusyon niya.

"MAGKAKILALA pala kayo ni Ginny Adriano?"

Napalingon si Rain at nakita niyang si Capt. Samson ang nagsalita, isa sa mga instructor pilots nila sa Flying School.

"Yes sir." Ngumiti siya.

"Matagal na ba kayong magkaibigan?"

Umiling ang binata. "Nung kelan lang po kami nagkakilala."

"Ingat ka lang, mahal na mahal 'yan ng daddy niya." ani Capt. Samson.

"Sir, acquaintance lang po ang status namin." natatawang sagot ng binata. Pero out of curiousity ay bigla siyang naging interesado sa komentong iyun ng kanyang upperclass officer. " Bakit sir, sikat ho ba ang daddy ni Ginny?" kaswal na tanong niya.

"E sino ba naman ang hindi nakakakilala kay General Adriano?" baling sa kanya ni Capt. Samson.

Napa-ohhh si Rain sa narinig. Of course, kilala niya si General Marcial Adriano- kadete pa lang siya sa PMA noon ay narinig na niya ang pangalan ng naturang opisyal. Isang matapang at magaling na piloto, kahanga-hanga ang mga exploits nito sa Mindanao. Kaya nga isa si General Adriano sa mga 'sinasamba at idolo' ng mga piloto sa Philippine Air Force.

"Kid," inakbayan pa ni Capt. Samson si Rain, "kapag ang anak niya ang tinalo mo, tiyak na wala ka nang career bukas. E pag nagalit pa siya, baka tuluyan ka nang mabura sa mundo!" paalala nito sa pabirong paraan.

Bahagyang namutla ang binata sa narinig.

Anak ng pating, deadly pala 'tong si Ginny! Sa nalaman ay agad na ipinangako ni Rain sa sarili na iiwasan ang babae dahil ayaw niyang mabulabog ang kanyang mga plano sa buhay. Kahit anong mangyari ay dapat na matupad ang kanyang ambisyon, at hindi ang tulad ni Ginny ang sisira nun.

Of Love and Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon