Chapter Three

4.1K 114 4
                                    

CHAPTER THREE

ISANG tili ang pinakawalan ni Ginny pagkapasok sa loob ng kotse.

I did it! Yes! Yes! I did it! Para itong nanalo ng isang milyon, halos gumalaw na nga ang kanyang dalang Lancer dahil animo’y kinukumbulsyon ang dalaga sa sobrang kilig habang nakayakap sa manibela.

Oh my gosh, I can’t believe na talagang nahalikan ko si Rain! Pakiramdam ng dalaga ay sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang tuwa at magkahalong excitement ng mga oras na ‘yun.

I swear, kahit anong mangyari, tayong dalawa ang magkakatuluyan Rain. Magiging Mrs. Rain Tupaz ako, sumpa nito bago tuluyang pinatakbo ang sasakyan pauwi sa kanila.

MATATAWAG na spoiled brat si Ginny Adriano. Whatever Ginny wants, Ginny gets. Accepted na ang ganoong sistema sa tahanan ng mga Adriano dahil nag-iisang anak lamang ito.

Ang kanyang inang si Genoveva ay isang dating stage actress at ang kanyang ama namang si Marcial ay isang piloto. Nagkatagpo ang kanyang mga magulang sa Malacanang nang minsang magtanghal doon ang theater group na kinabibilangan ni Genoneva bago magtungo sa Europe para mag-perform. Mahilig kasi ang dating First Lady ng bansa sa mga teatro kaya’t lagi itong nagpapatawag ng mga performers sa palasyo. Nang mga panahong iyun ay isa sa mga presidential pilots si Captain Marcial Adriano. Nang mapanood ang performance nina Genoneva ay agad siyang na-in love sa babae. Hindi na niya ito tinigilan at tatlong buwan mula nang magkatagpo ay ikinasal sila. Pero limang buwan matapos manganak ay naaksidente si Genoveva. Matindi ang naging pinsala nito sa lower part ng katawan at ayun sa mga doctor ay hindi na ito maaaring magkaanak pa, kaya’t hindi na nasundan si Ginny. Sa kanya tuloy natuon ang pansin ng mga magulang.

Dahil sa piloto ang kanyang ama ay naranasan ni Ginny ang tumira sa maraming lugar. Well-traveled siya dahil kung saan madestino si Marcial ay bitbit nito ang kanyang mag-ina. Naranasan na ni Ginny na magpasko sa Palawan, magbagong-taon sa Cebu, mag-summer sa Cagayan de Oro at kung saan-saan pang lugar sa Pilipinas. Maging nang mag-schooling si Marcial sa ibang bansa ay dala rin niya sina Ginny. Mula elementary hanggang makatapos ng highschool ay naka-limang transfer yata siya ng eskuwelahan.

Kaya naman nang mag-college ay ipinasya na ng kanyang ama na sa States na lang siya pag-aralin para magkaroon naman daw siya ng normal na student life. Naawa na kasi ito sa kanya dahil nga ilang beses na siyang lumipat ng school at tirahan kaya’t konti lang ang kanyang mga kaibigan. Ni wala nga siyang matatawag na bestfriend, di tulad ng iba na me mga kababatang nakasama sa pagtuklas ng mundo.

Pero okay lang naman kay Ginny ang buhay niya. Alam niyang mapalad pa rin siya kumpara sa iba dahil nalibot na niya ang Pilipinas at ilang beses na rin siyang nakapag-abroad. Doon na nga siya tuluyang pinag-aral- sa UCLA, kung saan din pumapasok ang iba niyang pinsan sa ama.

Adjusted na rin naman si Ginny sa LA. Tulad ng ina ay interesado din siya sa teatro kaya’t Theater Studies ang kanyang piniling kurso. Katatapos lang ng semester at dahil bakasyon ay naisipan niyang umuwi ng Pilipinas. Dumiretso nga siya sa Batangas dahil sa Fernando Air Base sa Lipa kasalukuyang naka-assign ang kanyang ama. Oo nga’t excited siyang umuwi ng bansa dahil miss na niya ang kanyang parents. Pero hindi niya alam na magiging ganito ka-exciting ang kanyang bakasyon- at iyun ay dahil sa kanyang bagong kakilala. O mas tamang tawagin na dahil may nakita siyang object of affection- at si Rain na nga ‘yun.

UNANG kita pa lang ni Ginny sa lalake ay alam na niyang natagpuan na niya ang kanyang soul mate.

Of Love and Second ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon