Chapter Twelve

3.5K 118 7
                                    

CHAPTER TWELVE

“ARE you okay?”

Nakatingin sa kanya si Eric with a worried look on his face. Nasa labas kasi siya ng apartment at hinihintay ang driver na magdadala ng kotse niya. Pina-check kasi yun ng daddy niya at ngayon ibabalik sa kanya. Hindi niya namalayang umiiyak pala siya habang nakaupo sa maliit na bench malapit sa mga tanim.

“I'm okay.” Pilit siyang ngumiti habang pinapahid ang luha.

“Alam mo, matiyaga akong makinig.” Ngumiti si Eric saka kumuha ng maliit na plastic stool at pumuwesto malapit sa kanya. “We may not be close but I think you need someone to talk to. Hindi ka palalabas e. Nandito ako every weekend pero hindi kita nakikitang lumalabas ng apartment.”

“Madami kasi akong ginagawa,” dahilan niya. Nakatunganga, naghihintay sa asawang galit sa akin, gusto niyang idugtong.

“Akala ko nga nung una, estudyante ka din---” Biglang tumigil si Eric. “Sorry ha.”

“Okay lang.” Pilit siyang ngumiti.

“So saan ka pupunta?” Nakatingin si Eric sa backpack na yakap-yakap niya.

Susundan ko ang asawa ko sa Baguio para malaman kung kasama niya ang girlfriend niya. Nagbara na naman ang lalamunan niya sa naisip at tumulo na naman ang luha niya.

“Hey, sorry, I didn't mean anything--” Napatayo na si Eric, hindi alam kung ano ang gagawin. “Shit, may nasabi ba akong masama?”

“No, wala. Wala kang sinabing masama. Ako.... ako ang may problema, Ako ang may pinagdadaanan kaya ako naiiyak,” paliwanag niya.

“I'm sorry--” sabi uli ni Eric. “I don't know why I keep apologizing, hindi naman siguro ako ang dahilan ng pag-iyak mo but I just feel bad. Ano ba to.”

Hindi alam ni Ginny kung ano ang nangyari but she just found herself telling Eric everything. As in lahat-- from how she met Rain, how she thought he was her soulmate to how she planned the whole thing para mapilitan si Rain na pakasalan siya. Siguro ay dahil sabik din siya sa kaibigan-- at mukha namang mabait si Eric palagay ang loob niyang mag-open up sa lalake. Nang matapos siya sa mabilisang kuwento ay nakita niyang nakatanga lang si Eric- obviously ay hindi makapaniwala.

“So yes, aalis ako ngayon para sundan ang asawa ko sa Baguio.”

“Sigurado ka na pupunta ka dun? I mean... what if...”

“What if makita ko silang dalawa na magkasama nga?” Tumango si Eric. “Ewan ko.”

“May kasama ka bang pupunta?”

“Wala. I'm gonna drive alone.”

“Ang layo ng Baguio mula dito sa Batangas.”

“I've done it before.” Nakita ni Ginny na dumating na ang driver nila. Tumayo siya. “Ayan na ang kotse ko.” Tumayo din si Eric.

Lumapit na siya sa naka-park na kotse. Palabas na ang driver nang muling magsalita si Eric.

“Sandali!” Nilingon niya ang lalake. “Sasamahan kita.”

AYAW sana ni Ginny na samahan siya ni Eric. Pero mabuti na lang at nag-insist ang lalake- kahit papano ay nabawasan ang stress niya sa biyahe. May kasama siya at nakakausap habang nagda-drive. And she learned more about Eric, her new friend. Masayang kausap ang lalake- matalino at mabait.

Nang mag-stop over sila sa Tarlac para kumain ay si Eric na ang nagdrive hanggang sa makarating ng Baguio. Kahit hindi niya sigurado kung saan pupunta si Rain, she followed her instincts and headed straight to the hospital kung saan nagtatrabaho si Lilibeth. Gusto niyang makaharap ang babae pero wala ito. Lumabas daw si Lilibeth, nagtungo sa canteen. Agad siyang nagmadali papunta sa canteen and there she was-- si Lilibeth- kausap ang magaling niyang asawa.

Biglang nanginig ang mga tuhod ni Ginny-- pakiramdam niya ay nanghina siya. Mabuti na lang at napakapit siya sa pader, kung hindi ay baka bumagsak na siya. Naiwan kasi si Eric sa kotse, she insisted on going to inside the hospital alone. Pero sana ay nagpasama na rin siya dahil feeling niya ay biglang umikot ang paligid niya.

I did everything for you, Rain. I defied everything. I gave up everything just for you. I gave my heart and my soul. Tumulo na ang luha niya habang nakatingin sa dalawa. Lahat ng paraan ay ginawa niya para mapaamo si Rain pero wala rin palang epekto. Ibinigay niya ang lahat para sa asawa at tinalikuran ang isang magandang future sa America. Yun pala ay si Lilibeth pa rin ang nasa puso nito.

Nakita niyang umiiyak si Lilibeth at niyakap ni Rain. Daig pa ni Ginny ang sinaksak ang puso. Ang sakit-sakit ng eksenang nakikita niya ngayon! Noon niya na-realize na wala talaga siyang puwang sa buhay ni Rain.

Siguro kahit anong gawin ko, hindi mo nga talaga ako kayang mahalin. Pakiramdam niya ay asawa lang niya si Rain sa pangalan pero kailan man ay hindi niya ito maaangkin ng tuluyan.

Pagbalik niya sa kotse ay magtatanong sana si Eric pero inunahan niya ito.

“I want to go back to Batangas,” aniya. Tumulo na naman ang luha niya. Hindi na nagsalita pa si Eric, ito na ang nagdrive pababa. Nakatulog siya sa biyahe na umiiyak. Hindi na siya inistorbo ni Eric. Ginising lang siya nang makarating na sila sa Lipa.

“T-thank you....” Hindi niya alam kung papano papasalamatan ang lalake.

“Don't mention it.” Ngumiti si Eric kahit halatang pagod ito at puyat. Namumula ang mga mata nito. “Magpahinga ka na. We'll talk in the morning-- or pagbalik ko.”

“Aalis ka?”

“I have a class tomorrow,” anito.

Niyakap ni Ginny si Eric. “Hindi ko alam kung papano ka pasasalamatan.”

“Huwag na. Hindi ko rin alam kung nakabuti ang pagpunta mo ng Baguio.”

“Basta... someday, babawi ako sayo.”

Yun lang at pumasok na siya sa apartment.

HINDI na siya nakatulog. She tried to, pero panay ang auto-replay sa utak niya ang nakita sa Baguio. And everytime maiisip niya ang yakapan nina Lilibeth at Rain ay nadudurog ang puso niya.

Hindi ko na kaya. Tumayo siya and started packing. Kinuha niya ang mga importanteng gamit- her passport, mga atm and credit cards, ang kanyang credentials sa kanyang shoulder bag. The rest of her clothes ay inilagay niya sa suitcase. Then nag-drive uli siya papuntang Maynila at iniwan ang sasakyan sa parking lot ng airport. She processed everything sa Philippine Airlines at araw ding iyun ay agad na nakasakay patungong US. Ni hindi na siya nagpaalam sa parents niya dahil wala siyang mukhang maiharap. Nagkamali siya sa pagpapakasal kay Rain. Nagkamali siya sa pagtalikod sa pag-aaral niya. Now it was her time to do things right.

Someday, kung tayo talaga, magkikita rin tayo uli. And maybe, someday, puwede na tayo. But right now… kelangan ko nalang munang hanapin ang sarili ko. Kailangan ko munang mabuo uli ang pagkatao ko.

She looked at the clouds from the window of her seat. She closed her eyes.

Goodbye Rain.

Of Love and Second ChancesWhere stories live. Discover now